^

Entertainment

‘Of flashback and flush-bath’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Of flashback and flush-bath�

JUST FUN AND PUN INTENDED — That’s me with a bust of Claude MONAY este, MONET in Giverny.

Nung Father’s Day last Sunday hindi ko malaman

Kung ano ang gagawin pagkatanghalian,

Magsulat o magpinta ang napag-isipan,

Nagwagi sa huli — MAG-ISIP-ISIP NA LANG!

 

Naisip bang balikan at muling pakinggan

Ilang lumang awiting aking tinitikan,

Ilan sa mga ito na’y nakalimutan,

Pag GINUGEL mo nga gulo-gulo na ilan!

 

Ngunit nagbago isip at biglang ‘wag na lang!

Nang matalisod sa mga nakasalansan —

A gift painting 30 years na nakakaraan —

INTERACTION ni Ang Kiukok, Olazo, Malang!

 

Regalo nung tatlo sa aking kaarawan!

Sama-sama together sa isang larawan!

The Three Masters-keteers nag-join brushes ba naman!

Kumbaga sa instant coffee ito’y THREE-IN-ONE!

 

Madamdamin nang kunin pagkat kailan lamang,

Nakumpleto na ang tatlo na mamaalam

Sa daigdig ng sining na ginagalawan,

“MABUHAY!” sana isisigaw but… ‘wag na lang!

 

MATA-IT o MAPA-MIS waring pakiramdam,

“Bittersweet” kumbaga sa ‘di naunawaan,

Pag ‘sang bagay na ganyan muling matuklasan,

Binaba ko muna’t ‘di man lang napunasan!

 

Pagkat pinunasang bigla ang matang lamlam

Ng iba pa roong naaalikabukan —

Mga pininta kong HUBAD ang karamihan!

At syempre dahil sa akin… may kapilyuhan!

 

At ayun na nga, FLASHBACK kumbaga na naman!

Nung EIGHTIES sa sining ako ay nagsimulang

Tuluyang MAADIK at oras ay binigyan!

At nakaka-BULAGA — meron nang PUHUNAN!

 

At narung sa Art Gallery na istambayan!

Nakilala mga mabibigat pangalan!

At narito ang HUBAD na katotohanan —

Sa NUDE SESSIONS nila PRESENT lagi tayo d’yan!

 

Op kors biro lang yung “lagi”… paminsan-minsan!

Talagang no malice s’ya, for the sake of art lang!

Si Kiukok nga ang bilis nakakatatlo ‘yan!

Nakakatatlong drawing sa isang upuan!

 

Pero seriously, may modelo o wala man,

Pagpinta ng nude pinakamakahulugan!

Kahit sa isip la’t walang kinokopyahan,

Mga katawan magbibigay kasaysayan!

 

Bakit, what is BAD ba sa hubad na katawan?

Because there is BAD in HUBAD ba ang dahilan?

Bukod sa hubad ang tao pag isinilang,

Kapag nasa banyo tayo one of the best ‘yan!

 

At dahil Ang Poet N’yo nag-flashback na naman,

Naisip ko tuloy kung may exhibit nga lang,

Featuring sa toilet na mga kaganapan,

You are all invited! Surely, “FLUSH-BATH” title n’yan!

 

Sino bang pintor talagang hinahangaan?

Natitiyak kong hindi n’yo mahuhulaan!

Clue: MABUHOK s’ya at may BUST pa sa larawan —

Si Claude MONET… ‘yung tunog MONAY ang pangalan!

 

Ngek! Parang hubo’t hubad pinatutungkulan!

O, ‘yung mga istrikto tinutukso ko lang!

Ngunit muli ang HUBAD na katotohanan —

Dahil WATER LILIES kaya Monet Number One!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with