Oplan Tokhang: 2M bahay kinatok ng PNP sa drug war
MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 2 milyong kabahayan ang kinatok ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Oplan Tokhang na bahagi ng istratehiya upang pasukuin ang mga drug personalities sa bansa kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra droga sa buong bansa.
Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, mahigit 2 milyong kabahayan ang nakatok ng PNP operatives simula Hulyo 1 hanggang alas-6 ng umaga nitong Biyernes (Oktubre 14).
Sinabi ni Carlos base sa records na nakuha ng PNP mula sa iba’t ibang regional offices ng pulisya sa buong bansa, umaabot na sa kabuuang 2,071,351 milyong kabahayan ang nakatok ng police operatives.
Ayon kay Carlos, ang operasyon ay nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng aabot na sa 53,851 drug pushers at 698,082 drug users.
Sa ilalim ng Oplan Double Barrel, kabuuang 1,578 namang drug personalities ang napatay sa lehitimong operasyon ng pulisya.
Samantala kung ibibilang ang mga pinapaslang na drug pushers sa mga nangyayaring ‘summary executions’ kabilang ang pagpapatayan ng sindikato ng droga ay aabot na ?sa 3,300 ang mga napatay.
Naitala naman sa 28,410 ang nasakote ng mga awtoridad.
Magugunita na ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot na ?sa 4M ang mga adik na Pinoy.
- Latest





















