^

Dr. Love

Napako ang pangako

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong kasambahay na dating nag-lingkod sa mayamang pamilya sa Malabon. Taong 2019 nang umalis ako sa trabaho para mag-asawa. 

Naging boyfriend ko kasi ang family driver ng amo ko. Niligawan niya ako at sinagot ko siya kalaunan. 

Ang pakilala niya sa akin, mula siya sa mayamang pamilya sa Cebu. 

Sinabi niya na nagkatampuhan lang daw sila ng kanyang ama kaya siya naglayas na wala kahit anong dala, maliban sa natira sa kanyang allowance.

Kaya raw siya namasukang driver sa Malabon.

Naniwala naman ako, pati sa  pangako niya na gagawin niya akong reyna kung magsasama kami. 

Sumama ako sa kanya sa Cebu at doon ko nalaman ang totoo, na kathang-isip niya lang ang lahat ng sinabi niya sa akin. 

Dahil hindi totoo na anak siya ng mayaman. Wala na akong magawa kundi makipag-live in sa kanya. Ngayon ay  tatlo na ang aming anak.

Nagsisisi ako ng matindi at gusto ko na siyang hiwalayan pero mahal ko ang mga anak namin. 

Anong gagawin ko?

Masing

Dear Masing,

Sana noon ka pa nagpasyang hiwala-yan siya nang makita mong hindi niya ka-yang tuparin ang pa-ngako niya. 

Ngayon, tatlo na ang inyong anak, may commitment ka na sa iyong pamilya.

Pero kung kaya mong buhayin ang mga anak mo, pwede kang makipaghiwalay dahil hindi naman kayo kasal. 

Tatlong bata ‘yang bubuhayin mo. Ang tanong ay kaya mo ba?

Sana magsilbing aral sa iba ang karanasan mo para huwag basta-basta maniwala sa mga boladas ng lalaki.

Dr.  Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with