^

Dr. Love

Dalawa ang pinangakuan

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

High school pa ako nang maging siyota ko si Annie. 

Napangakuan ko siyang siya ang babaeng pakakasalan ko kapag nagtapos kami sa college. 

Pero ‘yon ay pangako lang ng binatilyong wala pang sapat na pangunawa sa pag-ibig.

Nagkahiwalay kami nang magtapos kami ng high school at sa buong apat na taon sa kolehiyo ay hindi na kami nagkitang muli. Akala ko ay nakalimutan na niya ang aming puppy love relations.

Sa college, nakilala ko ang tunay kong mahal, si Estella. 

Naging kami at pagka-graduate ay nagbalak kaming magpakasal. 

Nang magpapatahi na siya ng wedding gown, ang may-ari pala ng patahian ay si Annie. Kinausap ako ng palihim ni Annie at lumuha siya. 

Hinihintay raw niya ang pagbabalik ko at umaasang tutuparin ko ang aming sinum-paan noong high school. 

Hindi raw siya hahandlang sa pagpapakasal ko sa iba, pero isinumpa niya hindi kami liligaya ni  Estella.

Naniniwala ka ba sa sumpa?

Marion

Dear Marion,

Hindi tinatalaban ng sumpa ang mga taong nananalig sa Panginoong Jesus. Huwag kang matakot, basta’t tiyakin mo lang na magiging tapat kayo sa isa’t isa ng iyong katipan.

Ang sabi sa 1 Juan 5:18 - ang sino mang isinilang sa Panginoon ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan at siya ay pangangalagaan ng Panginoong Jesus at hindi siya matitinag ng diablo. 

Tibayan ninyong magkasintahan ang pananampalataya sa Diyos at walang sumpang tatalab sa inyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with