^

Dr. Love

Mag-cool off muna

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si  Crissa. Naiinis ako sa bf ko. Ako pa ang pinalalabas niyang nanlalaki. Eh, siya nga ang naunang nag-post sa fb ng picture niya na may kasamang ibang babae. 

Ang sabi niya, kaibigan lang daw niya iyon. Ang nakakainis kapag ako, ayaw niyang makikitang nagpo-post ng picture kahit kasama ko ang tropa ko, binibigyan na niya ng ibang kahulugan. 

Hindi ko na pinansin ‘yung post niya, baka naman totoong kaibigan lang naman. Pero ang sumbong ng nakababata niyang kapatid ay lagi raw naroon sa bahay nila ‘yung babae. Minsan nagyayakapan pa raw. Hindi nga ako makapaniwala na gagawin niya iyon.

Tapos ako pa ang pinagsasabihan niya na bakit hindi ko siya pinupuntahan, eh pa’no baka maabutan ko lang sila roon sa bahay nila. 

Parang hindi ko na nagugustuhan ang sitwasyon namin. Sinabihan ko na siya kung pwedeng mag-cool off muna kami. 

Ayaw naman niya. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay napakahigpit niya sa akin tapos siya pala itong may kababalaghang ginagawa. 

Crissa

Dear Crissa, 

Tama ka naman. Unfair ang bf mo. Kapag siya, pwede; kapag ikaw, bawal.  Kapag bawal, bawal! ‘Yun ang tama. 

Mas mainam nga na mag-cool off muna kayo para ma-realize niya na mali ang ginagawa niya. Mabuti nga ngayon palang nalaman mo na agad ang ginagawa niya. 

Dapat lang na mamili siya kung ano ang gusto niya sa buhay. Kung ikaw o ‘yung babae niya. Grabe, hindi pa nga kayo mag-asawa nagagawa na niya ‘yon, paano pa kung magkatuluyan kayo?

You deserve to be respected, iha.  Kaya kung magmamahal ka ng lalaki, kilalanin mo muna ng mabuti at tiyakin na may respeto sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with