^

Dr. Love

Impiyerno at langit

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka, Dr. Love? Hoping nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo sa sulat na ito. Ako po si Elsa, 30 anyos at annulled sa una kong kasal.

Parang impiyerno ang buhay ko sa piling ng una kong asawa. Pinagbubuhatan ako lagi ng kamay at siya ay sugarol at lasenggo.

Mabuti na lang at tinulungan ako ng tito ko, may-ari ng law firm na mabilis na mapa-annul ang aking kasal sa malupit kong asawa. Siya ang naging abogado ko at siya ang gumastos para mapawalang bisa ang kasal ko.

Ngayon ay may live-in partner ako na napakabait. Mula sa buhay kong mala-impiyerno ay parang nasa langit ako sa piling niya. Mabait at responsable siya.

Niyayaya niya akong magpakasal kahit sa huwes pero nag-aalinlangan ako. Baka kasi pagkasal na kami ay maging malupit siya gaya ng nauna kong asawa.

Pagpayuhan mo ako.

Elsa

Dear Elsa,

Imposibleng mahulaan kung mangyayari o hindi ang pangamba mo. Pero para sa akin, importante ang kasal hindi lang dahil iyan ang gusto ng Diyos.

Mahalaga ito dahil sa ilang legal issues tulad ng pagiging illegitimate  ng inyong magiging anak kung wala kayong kasamiyento.

I’m sure hindi magiging masaya ang sino mang anak na ang mga magulang ay nagsasama nang hindi ikinasal.

Kung mahal mo siya, huwag kang ma-ngamba. Ipanalangin mo sa Diyos na sana’y hindi magbago ang uliranin niyang ugali.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with