^

Dr. Love

Dahil sa alagang aso

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Rani. Pa-salamat na lang ako sa alagang aso ng gf ko. Ayaw siyang payagan ng papa niya na maki-pagkita at magkausap kami, kahit sa labas lang ng bahay nila. Aral muna na nga daw bago relationship. 

Kaya minsan patago akong nakikipagkita sa gf ko. Nakakapag-usap kami kapag nasa plaza na siya kasama ang aso niya, na nasanay nang sinasalubong ako at nilalambing.   

Isang gabi, nawala ang aso ng gf ko. Ilang oras din naming hinanap, kasama ang papa niya. Tinawag ko nang tinawag ang pangalan ng aso. Bigla na lang itong tumahol at sinalubong ako na kakampay kampay ang buntot. Nagulat ang papa ng gf ko kung bakit maamo sa akin ang aso nila. 

Simula noon, pinayagan na ako ng papa niya na magpunta sa kanila. Biro ng papa niya sa akin, mabuti pa ang aso may tiwala sa’yo. 

Rani

Dear Rani,

Talagang dapat ka magpasalamat dahil sa aso ng gf mo.  

Mabuti pa nga minsan ang aso tapat sa amo. Ganun din ang gawin mo, maging tapat ka lagi sa papa ng gf mo at kahit kanino. Mahirap maibalik ang tiwala kapag ito ay nawala. 

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with