^

Dr. Love

Nanlamig si Misis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Labindalawang taon kaming maligayang nagsasama ng asawa ko pero naging malamig ang pakikitungo niya sa akin  nang mamatay ang isa sa dalawang anak naming kambal.  Tawagin mo na lamang akong Lito, 40 anyos.

May dalawang taon din bago nabuntis ang misis ko at ito nga ay kambal, isang lalaki at isang babae. Paborito niya ang anak naming lalaki at halata ang pagiging bias niya rito. Mas madalas niya itong ibili ng mga  laruan kaya ako naman, para maging patas sa kambal namin ay madalas kong bilhan ng laruan ang anak naming babae.

Dumating sa buhay namin ang isang masaklap na pangyayari. Nagkasakit ng leptospirosis ang amin anak na lalaki dahil mahilig maglaro sa baha. Namatay siya na labis na ipinagdamdam ng asawa ko.  Nagdalamhati rin ako bilang isang ama, pero iba ang pagdadalamhati ng misis ko. Nagbago ang kanyang ugali. Magagalitin at naging napakalamig niya.

Simula nang mamatay ang anak namin, dalawang taon na ang nakararaan ay hindi na kami nagsiping. Inunawa ko ito dahil batid ko na hindi niya matanggap ang pagkawala ng paborito niyang anak.

May hangganan pala ang pang-unawa. Naiinis na ako sa panlalamig niya at gusto kong humanap ng ibang kandungan.

Nabubuo ngayon ang isang mutual understanding sa pagitan ko at ng isang kasamahan sa opisina. Labis na kaming nagiging close.

Gusto ko siyang iwasan pero hindi ko na magawa dahil lagi ka-ming nagkikita sa opisina. Tulungan mo ako.

Lito

Dear Lito,

Mag-usap kayong mabuti ng iyong asawa hinggil sa panlalamig niya at ipaunawa mo sa kanya na may marital obigations kayo sa isa’t isa, gaya nang isinasaad ng biblia.

Tungkol sa ka-M.U. mo, bago ka mahulog sa tukso ay isipin mo na may isa ka pang anak na maaaring masira ang kinabukasan kung malululong ka sa ibang babae.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with