^

Dr. Love

Girl of my dream

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Just call me Tommy, 25 anyos at binata. Sa ngayon ay may girlfriend ako na bata sa akin ng five years. Noon, inakala ko na siya na ang babaeng pakakasalan ko hanggang sa nagkaroon ako ng paulit-ulit na panaginip.

Sa panaginip na iyon, may bahagyang nabundol ako na babae habang umaatras ako paalis ng parking lot. Bag lang niya ang natamaan at siya pa ang nag-sorry nang tanungin ko kung okay ba siya.

Napakaganda niya at ramdam ko na siya na ang babaeng aking pakakasalan. Sa sumunod kong panaginip ay nagkakilala kami at nanligaw ako sa kanya at naging kami.

Napanaginipan ko siya uli at sa panaginip na iyon ay mag-asawa na kami. Nanghihinayang ako tuwing ako’y magigising.

Isang araw habang may binibili ako sa isang convenient store, may nakabanggaan ako na magandang babae.

Hindi ako maaaring magkamali, siya ang babae sa aking panaginip! Ang kaibahan lang ay pinagsupladahan niya ako.

Gayunman, lagi siyang laman ng isip ko at gusto ko na magkita kaming muli. Sa kakaisip, nakakalimutan ko na may girlfriend na ako. Ano ang gagawin?

Tommy

Dear Tommy,

Nagkataon lang siguro na kamukha ng babae sa panaginip mo ang iyong nakabanggaan. Huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon sa iyong isip mo ang babaeng ‘yon na ayon sa iyo ay suplada.

Sabi nila, kabaligtaran ang panaginip. Ang babae sa iyong panaginip ay mabait ngunit ‘yung nakabanggaan mo ay suplada.

Ituon no na lang ang tibok ng puso mo sa iyong present girlfriend.

Dr. Love

vuukle comment

DREAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with