^

Dr. Love

Kung kailan ‘legit’ bawal magkita

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Aero. Nakakainis lang kung kelan sinagot ako ng nililigawan ko, saka pa nagka-coronavirus. Ano ba ‘yan?

Matagal na akong nanliligaw sa kanya, since second year high school pa kami. Sabi niya, kapag nag-senior high na kami saka niya ako sasagutin.

Hayun nakapagtiyaga ako at nakapaghintay. Kapag may mga projects dapat sa bahay nila. Hindi naman ako makaporma kapag sa kanila gumagawa ng mga projects namin. Ingat na ingat ako na maging obvious sa parents niya, lalo na sa papa niya.

Pero nakuha ko siya sa tiyaga. For almost 3 years din akong naghintay. Sinagot niya ako nitong valentines, pinayagan na raw siya ng mama niya na mag-bf para naman magkaroon siya ng inspirasyon sa pag-aaral.

 ‘Yun lang, nanghihinayang ako kasi nung naging legit na ang relationship namin, marami namang pinagbawal. Hindi ‘yung parents niya, kundi dahil walang pasok in one week. Bawal ako lumabas, bilin ng mama ko. Eh, may balita pang lock down ang buong Maynila. Naku mami-miss ko talaga siya. Mabuti na nga lang may video call. Thank you po sa time.

Aero

Dear Aero,

Sanay ka naman sa paghihintay, kaya ang payo ko sa iyo, konting tiis lang hindi lang naman ikaw ang apektado ng precautions laban sa COVID-19. Mainam ang sumunod sa mga bilin ng gobyerno natin para sa ating kaligtasan naman iyon.

Mag-video call ka lang muna. Spend din your time sa pagbabasa at pag-aaral ng lesson habang walang pasok. Malaking tulong ang a-advance reading. Maglaan ka rin ng time sa prayer para mabigyan na ng panlunas ang mapanganib na virus. Ingat lang lagi.

Dr. Love

vuukle comment

AERO

LEGIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with