^

Dr. Love

Bumigay sa Indecent Proposal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumiham ako sa iyo dahil sa kabigatang dinadala ko sa aking dibdib.  Ako po si Zoraida, 25-anyos at isang single parent. Masakit po ang aking kasaysayan kaya ayaw ko nang ilahad pa ang sirkumstansya kung bakit ako naging dalagang ina. Sabihin na lang natin na bunga ito ng aking kapusukan noong bata-bata pa ako.

Average lang ang aking mga magulang. Hindi mayaman at hindi rin naman mahirap. Ngunit nang ako’y magdalantao, itinakwil nila ako at pinalayas sa aming tahanan. Mula sa pagiging coed, napilitan akong mamasukan sa isang pabrika na pag-aari  ng isang mayamang negosyante. Pilit kong itinaguyod na mag-isa ang aking anak na lalaki na ngayo’y tatlong taong gulang na. Nanirahan kami sa isang maliit na barung-barong. Kapag nasa pabrika ako, iniiwan ko sa kapitbahay ang anak ko.

Parang bumagsak sa akin ang kalangitan nang magkasakit nang malubha ang aking anak. Biliary atresia raw ang tawag doon. Kailangan niya ng liver transplant na kailangang gastusan ng milyong piso. Saan naman ako kukuha ng ganung halaga? Kahit mga magulang ko ay hindi kayang tustusan ‘yun.

Napilitan akong lumapit sa may-ari ng pabrika at pumayag siyang sagutin ang lahat ng gastos ngunit sa kondisyong magiging babae niya ako. Matagal nang nagpaparamdam sa akin ang matandang negosyanteng ito. Hindi mo naitatanong, maganda ako dahil Spanish mestizo ang aking ama. Kapit sa patalim ang nangyari sa akin. Para sa kaligtasan ng mahal kong anak, pumayag ako.

Ipinadala kami sa abroad ng amo ko dahil doon lang daw may kakayahang gumawa ng ganitong medical procedure. Ngayo’y maayos na ang aking anak pero ibinahay ako ng amo ko at ginawang other woman. Komportable ang buhay ko ngayon ngunit araw-araw, sinusumbatan ako ng aking konsensya. Nandidiri ako tuwing sisipingan ako ng aking among 75-anyos na. Paano ako makakawala sa kompromiso kong ito?

Zoraida

Dear Zoraida,

Lapitan mo ang iyong mga parents at humingi ng tawad. Magulang din ako at batid ko na ang galit ng ama at ina ay sa una lamang at hindi matitiis ang anak na makitang nagdurusa.

Hindi ka puwedeng habulin ng iyong boss kahit iwanan mo siya dahil unang una, walang batas na nagbabawal sa pag-iwas sa masama. Maliban na lamang kung may kontrata kang pinirmahan kapalit ng malaking halagang ginastos niya sa kagalingan ng iyong anak. Sa ganyang situwasyon, puwede kang idemanda, pero mas mabuti na iyan kaysa manatili kang sex slave ng isang matandang mayaman. 

Ang pinakatumpak na magagawa mo ay layuan ang kinakasama mong mayaman dahil kasalanan iyan sa batas ng Diyos at ng tao. Habang may panahon pa, gawin mo ang payo ko sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

INDECENT PROPOSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with