^

Dr. Love

Inusig ng konsensiya

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Noon, hindi ko ikinabahala na lalaking may asawa at dalawang anak ang sinamahan ko. Dahil para sa akin, siya ang man of my dream, matikas, mayaman at sunod lahat ng layaw ko sa katawan.

Tutol dito ang nanay ko dahil bukod aniya maliwanag ang mukha ko sa lipunan at libre pa ako sa kargo de konsiyensiya. Pero hindi ako nakinig at pumayag na ibahay ni Dino. Maligaya ako noong una. Hanggang sa unti-unti kong nakita ang punto ni nanay.

Lalo na nang tumagal ng isang buwan ang hindi pagsipot ni Dino sa aming condo dahil sa pagkakasakit aniya ng kanyang anak. Naisip ko na gusto ko magka-baby kami pero ayaw niya, magiging komplikado lang daw ang lahat­. Dito ko unti-unting naramdaman ang pagka-awa sa sarili dahil ako lang ang nagmamahal at laruan lamang ako para kay Dino.

Isang sulat ang iniwan ko at tuluyan nang umalis ng aming condo. Tumawag si Dino sa opisinang pinapasukan ko, ang tanging alam niya impormasyon tungkol sa akin. Ayaw niyang pumayag na maghiwalay na kami, hindi niya raw kaya. Ngayon po ay nakakaramdam ako na miss ko na rin siya.

Ano po ang dapat kong gawin? Sinubukan kong makipagkalas na pero nanghihina na ang loob ko. Payuhan mo po ako.

Salamat po at nawa’y maunawaan ninyo ang sitwasyon ko.

Gumagalang,

Anna Marie

Dear Anna Marie,

Kung gugustuhin mo nang tanggapin na maging habang buhay ka na lang ma­ging kabit, na uuwian at hindi; at kung ipagsasa­walang bahala mo na magiging dahilan ka para mawasak ang isang pamilya, sumige ka.

Isang bagay lang ang hindi mo maba­bago, hindi ka magiging maligaya kung ipagpapatuloy mo ang kabuktutan na namama­gitan sa inyo ni Dino. At maaaring hindi ma­­isip sa ngayon ang kapalit ng iyong pag­lalaro sa apoy, pero sa takdang panahon aanihin mo ang lahat.

Kung ako sa iyo, habang may panahon pa para itama mo ang iyong buhay, gawin mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANNA MARIE

ANO

AYAW

DEAR ANNA MARIE

DINO

DR. LOVE

ISANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with