^

Dr. Love

Lubusin ang pagpatawad

-

Dear Dr. Love

Tawagin mo na lang akong Richard dating OFW. Noong nasa labas ako ng bansa, nagkaroon ng relasyon ang aking asawa sa ibang lalaki. Inamin niya na nagkaroon sila ng physical touch pero hindi sila humantong sa ganung bagay (sexual intercourse).

Sabi niya hindi sex ang habol niya kundi sim­patya dahil nauunawaan siya sa kanyang mga hinaing.

Sa totoo lang, sa tingin ko halos perfect wife ang asawa ko. Napakabait niya, masipag, maasikaso sa akin, sa mga bata at malinis sa bahay. Kaya by the time na aalis siya ng bahay ay pinigilan ko siya. Tiniis ko ang sakit sa nangyari, dahil ayaw kong masira ang aming pamilya alang-alang sa mga bata.

Years passed at ngayon for GOOD na ako dito sa ‘Pinas pero pabalik-balik pa rin sa akin ang nangyayari. Minsan natatanong ko sa sarili ko kung tama bang manahimik na lamang. Akala nila naka-moved on na ako, pero ang totoo araw-araw pa rin laman ito ng aking isip.

Ano ba ang dapat kong gawin sana mapayuhan mo ako.

Lubos na gumagalang,

Richard

Dear Richard,

Tama na sana ang ginawang mong pagpigil sa kanyang pag-alis. Pero nakatanim pa rin sa puso mo ang unforgiveness. Nauunawaan ko iyan. Pero isipin mo na kung tayo’y pinatawad ng Diyos, sino tayong tao lamang na hindi magpapatawad sa ating kapuwa?

Laging kang manalangin at magbulay sa Salita ng Diyos. The Lord will help you to heal the wound in your heart. Lahat naman tayo ay nagkakasala. Oo, babae man o lalaki.

What you must do is look at the good traits and quality of your wife at iyan ang lagi mong pagbulayan. Makikita mo, sa madaling panahon ay mapapawi na ang iyong unforgiveness. True love covers a multitude of imperfections.

Dr. Love

Nais ipabatid ng column na ito ang lubos na pasasalamat ng isang concern reader na nagbahagi ng kanyang kahalintulad na karanasan para kay Justine ng Jeddah Saudi Arabia. Kalakip nito ang payong tuklasin ni Justine ang mga nakapagpapasaya sa kanyang pamilya at ang ikasisiya niya dito para maibalik ang harmony ng kanyang pamilya. Higit sa lahat, ang paghingi ng tulong sa Diyos.

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

ANO

DEAR RICHARD

DIYOS

DR. LOVE

JEDDAH SAUDI ARABIA

JUSTINE

PERO

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with