^

Metro

VACC, nanawagan sa SC sa maayos na pag-upload ng e-warrant

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
VACC, nanawagan sa SC sa maayos na pag-upload ng e-warrant
The main building of the Philippine Supreme Court in Manila as taken on Dec. 13, 2024.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Korte Suprema na tiyakin ang maagap na pag-upload ng electronic warrant o e-warrant sa mga korte sa bansa, kasunod ng reklamong inihain laban kay Judge Alvin Landicho ng Municipal Trial Court sa Sta. Rosa, Laguna, dahil umano sa hindi pag-upload ng isang e-warrant sa loob ng anim na taon.

Ayon sa nagreklamong si Monalie Dizon, matagal nang hinihintay ng mga awtoridad ang nasabing e-warrant upang maipatupad ang kaukulang kautusan. Sinamahan siya ni VACC Chairman Manny Obedoza sa paghahain ng reklamo, na aniya ay naglalayong makamit ang katotohanan at hustisya.

Hindi naman nadatnan ng media si Landicho sa kanyang tanggapan nang kunin sana ang kanyang panig. Ayon kay Mario Catindid Jr. ng City Cultural Affairs Office ng Santa Rosa, naka-leave umano ang hukom. Tumanggi namang magkomento si Sta. Rosa Acting Chief of Police Police Lt. Col. John Paolo Carrecedo dahil nasa proseso na umano sa piskalya ang reklamo.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with