^

Police Metro

Prosecution, handa na sa pag-cross-exam kay VP Sara

Joy Cantos - Pang-masa
Prosecution, handa na sa pag-cross-exam kay VP Sara
Vice President Sara Duterte on July 16, 2026
Inday Sara Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — Inihayag ni House trial adviser at Spokesman Robert Ace Barbers na naghahanda na ang prosecution panel sa isasagawang pag-cross examine kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng plano ng defense panel nito na iprisinta ang respondent sa Senate impeachment court.

Sinabi ni Barbers na masusi nang pinaghahandaan ng prosecution team na kuwestiyunin si VP Sara sa pinansyal nitong rekord kaugnay ng “unexplained wealth”, hindi idineklarang mga assets at ang ipinagbabawal na mga interes sa negosyo.

Inihayag ni Barbers na kung talagang tetestigo si VP Sara na ipriprisinta ng defense team nito ay isang magandang oportunidad ito para makuwestiyon na ito sa Article II o sa hindi maipaliwanag na paglobo ng kaniyang kayamanan na makapanumpa sa kaniyang testimonya.

Umaasa naman si Barbers na hindi aatras sa pagtestigo si VP Sara upang malinawan ang mga katanungan na matagal ng hinahanapan ng katugunan ng taumbayan hinggil sa mga isyung kinakaharap nito.

Kabilang sa mga ebidensyang naiharap ng prosecution panel ay kinabibilangan ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN),Income Tax Records (ITR), corporate filings at bank documents na sinuri ni Forensic Accounting Expert Atty. Alexander Cabrera kung saan natukoy ang P817.87 milyong paglobo ng kayamanan ni VP Sara.

Sa pagbabalik muli ng paglilitis sa Nobyembre 9 ay ang defense team naman ni VP Sara ang magpiprisinta ng mga testigo at idedepensa rin ang mga ebidensya na naiharap laban sa respondent.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with