^

PSN Showbiz

Apat na stand-up comedian, magkakasunod na pumanaw!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Apat na stand-up comedian, magkakasunod na pumanaw!
Dax, Arnell, Kirara at Boobah
STAR / File

May napo-post na blind item tungkol sa kilalang singer/comedian at host na nasa ICU na raw at intubated ito.

May nagte-text sa amin kung sino ito, pero wala pang may nagkumpirma sa amin kung tama nga itong tinutukoy nila.

Ilang beses ko ring na-message ang kilalang TV host na malapit sa komedyanteng ito, pero hindi ako sinasagot.

Nakakabahala tuloy, kung totoo ba ito.

Mahirap nang magdagdag ng detalye, at baka lalo pang mahulaan.

Pero sa totoo lang, naging usap-usapan na kasi ngayon itong sunud-sunod na pagpanaw ng mga stand-up comedian.

Apat ang magkakasunod na pumanaw ngayong buwan lang ng Oktubre.

Ang una ay si Dax Martin na si Daxxeno Fowler ang tunay na pangalan.

Magaling na singer itong si Dax at malapit sa mga kilalang stand-up comedian.

Sumunod na napabalitang pumanaw ay si Arnell Tamayo na na-meet ko pa ilang buwan nang nakaraan sa isang common friend namin.

Si Arnell ay kilala sa pag-impersonate kay Ms. Vilma Santos.

Ilang araw lang ang lumipas ay sumunod naman si Boobah na si Noel Montero ang tunay na pangalan.

Marami ring nagtanong sa akin dahil akala nila si Boobah at si Boobay ay iisa lang.

Iba po si Boobay at buhay na buhay siya.

Noong Miyerkules lang ay nagimbal ang nasa comedy bars dahil pumanaw na rin si Kirara Kawai na si Rodolfo Rausa Jr. sa tunay na buhay. Hindi tinukoy ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

Nakakalungkot, pero nakakabahala rin dahil ano raw kaya ang senyales nito? Dahil kaya sa puyatan na trabaho?

Kasi sa totoo lang, kailangan talagang maging maingat na ngayon sa ating kalusugan. At hindi nakakatulong sa kalusugan natin ang gabi-gabing puyatan.

Kaya ingat-ingat talaga.

Pops, sa baratillo nadiskubre ang boses ni Regine

Nung magkakasunod ang tatlong gabing Finale concert ni Regine Velasquez, super trending ito at ang daming nagpo-post ng kanyang performance ng mga pinasikat niyang kanta. Sinabi ni Regine na hindi na niya kakantahin ang mga kantang ‘yun kaya in-immortalize ng netizens ang mga mahihirap na kantang ito.

Sa Nov. 26 ay ang POPS concert naman ni Pops Fernandez na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater. Isa sa special guests niya ay si Regine.

Sa nakaraang media conference ni Pops, hiningan namin siya ng reaksyon sa binabalak ni Regine na pag-retire sa mga big show kagaya nitong huli niya. Ani Pops, “Kasi for me, Regine is always Regine. And she also started a lot of these youngsters. Siyempre they got inspired by her singing style. Nakikita naman ho natin ‘yan, ‘di ba? Andaming mala-Regine. So, maybe sana, magte-take lang siya ng break, ‘di ba? Kasi mami-miss natin si Regine talaga.”

Ano kaya ang mami-miss niya kay Regine sa stage? “Alam mo si Regine… dati kasi, marami nang bumibirit. Dati, marami nang mga belters,” pakli ni Pops.

“To name a few, naaalala ko, Tillie Moreno, Louie Reyes, at maraming-marami pa. Sorry if I can’t remember the other names right now. Pero nung narinig ko si Regine, iba na kasi ‘yung style nun, e. Whitney Houston. Narinig ko siya sa isang baratillo.

“Sabi ko, ‘Whoa! That sounds like Whitney Houston.’ Very, very much the style of Whitney Houston. So na-impress ako. Si Regine, siya ang nagpaumpisa ng ibang klaseng belting, na mala-Whitney nga, ‘di ba? And the rest is history,” dagdag niyang pahayag.

Bukod kay Regine, special guests din ni Pops sina Vina Morales, Erik Santos, Jay Durias, Martin Nievera at Helen Gamboa.

Direk Roman, pangarap gawing Dolphy/Nida ang Marjo

Medyo bumababa ang viewing level sa panghapon, kaya naapektuhan mga bagong programang nagsimula nung Lunes.

Ang Mommy Guard na nung nakaraang Huwebes ay naka-1.2 percent ito. Ang katapat na Born To Shine ay 4.9 percent.

Sumunod ang Delivery Boi na naka-3.8 percent na lang.

Ang lamang lang ng Mommy Guard sa TV5, napapanood ito sa Netflix at pataas nang pataas ito sa top 10 trending. Number 2 na ito nung huling na-check ko.

Sa totoo lang kering-keri pa rin talaga ni Jolina Magdangal ang mag-comedy at siya talaga ang nagdala ng show. Puwede siyang magtagal lalo na’t kung pasaya nang pasaya ang bawat episode.

Ang dream nga ng director nitong si Direk Roman Perez ay umabot daw sila ng ilang taon.

“Mga 10 (years). Makapagpaaral muna ako ng doktor, tapos okey na tayo,” nagbibirong tugon ni Direk Roman.

“Hindi! Joke lang. Siyempre nagke-create tayo ngayon sa hapon, may nabuo na tayong Freddie Webb and Nova Villa noong mga panahon na iyon. May nabuo tayong Maricel Soriano-Cesar Montano. May nabuo tayong Dolphy and Nida Blanca.

“Ngayong panahon, walang ganoon. Pero may Marvin and Jolina!” sambit nito na ikinatuwa ng MarJo fans na dumalo sa mediacon nito.

“Lahat naman, ‘yun ang pangarap. Pero again, sabi ko nga, pinag-usapan natin kanina... ang lungkot ng hapon natin ngayon. Ang lungkot ng mundo. Maysakit ang bayan. Kailangan maging masaya tayo lahat.

“Ang kalaban namin ay impeachment. Kasagsagan ng impeachment, manonood ka ng impeachment, mapapagod ka. Ililipat mo sa TV5. Mommy Guard! Sisirain niyan ang impeachment. Sisirain!” natatawang-seryoso niyang pahayag.

Eighty episodes ng Mommy Guard ang nakalatag sa Netflix. Pero kung maganda ang feedback at okay naman ang viewership, puwede pa talagang ma-extend.

COMEDIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with