^

Probinsiya

2 minahan sa Quezon ni-raid ng NBI, 500 minero nabulaga!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang mining sites sa Barangay Bulo, Buenavista, Quezon kamakalawa kaugna’y ng umano’y paglabag sa batas sa small-scale mining at mga kautusan ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB).

Batay sa search warrant, nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 500 sako ng processed at unprocessed gold ore, gayundin ang mga kagamitan at iba pang ebidensiyang ginagamit sa pagmimina at pagproseso ng ­mineral.

Ayon naman sa 500 na minero, biglaan ang operasyon at ilang­ mang­gagawa ang umano’y nahuli at dinala sa NBI headquarters sa Lucena City, habang iginiit nilang malaking dagok sa kanilang kabuhayan ang pagpapatigil ng operasyon.

Dahil dito, nagsagawa rin sila ng maikling kilos-protesta sa harap ng Municipal Hall ng Buenavista upang hilingin ang patas na pagpapatupad ng batas at pagkakataong maayos ang kanilang mga dokumento, bago kusang umalis makaraan ang ilang minuto.

Samantala, nilinaw ni Buenavista, Mayor Rey Rosilla na hindi tutol ang lokal na pamahalaan sa pagmimina basta ito ay responsable, ligtas at naaayon sa batas, habang nananatiling nakabantay ang mga pulis at sundalo ng Philippine Army sa dalawang mining sites habang nagpapatuloy ang kaukulang legal na proseso.

DENR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with