^

PSN Showbiz

Bianca, may natutunan sa nangyari kay Rere

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bianca, may natutunan sa nangyari kay Rere
Bianca Umali

Malapit na raw manganak si Rere Madrid-Sotto. Ito ang isa sa tsika sa amin ni Bianca Umali nang dumalo ito sa premiere night ng pelikulang Saving Cherry ng Regal Entertainment.

“Malapit na malapit na,” bulalas ni Bianca nang tinanong ko kung kailan na ba ang due ni Rere.  “Nung isang araw, sila ay nakapag-baby shower na. I’m so excited. I’m so excited for the baby,” sabi pa ni Bianca.

Bago si Ruru Madrid, kay Bianca nagsabi si Rere na nagdadalangtao na ito. Siya ang parang nagpabalanse, para hindi mabigla nang husto at magalit si Ruru.

Hanggang ngayon ay nakaa­lalay pa rin ang Kapuso actress at namo-monitor nito ang kalagayan ni Rere. “Actually, hindi lang naman po ako. Kami, buong pamilya, ay nandito para suportahan ‘yung pagbubuntis ni Rere.

“Lahat kami... every time na weekend nanga­ngamusta kami sa kanya, to ask her updates kung ano ang kailangan niya. And I also asked her all the time that if she needs assistance, she can always come to me,” saad ni Bianca.

Nung napag-usapan namin ito ni Ruru, napapangiti lang siya nang ini-relate ko sa kanila ni Bianca.

Wala naman daw silang napag-usapan, pero kahit paano ay may natutunan sila sa nangyari kay Rere.

Sabi naman ni Bianca, “Ang natutunan namin all the more is how to support family especially in time of... whe­never we need more emotional support.

“Ahhh hindi talaga... hindi mababago kung sino ‘yung mga taong tatakbuhan mo, lalo kung hindi mo alam kung sinong pupuntahan mo.

“Family will always be number one.”

Natawa na lang ang Kapuso actress nang sinundan ko ng tanong kung may pinaplano na ba sila ni Ruru.

Puwede kayang sumunod na sila? “Naku! Walang ganun. Pero if it is God’s will, it will be God’s will. Kami naman po ni Ruru ay mina-maximize namin ang kung anong meron kami as individuals ngayon.

“In God’s own timing,” saad ni Bianca Umali.

Suportahan sila ni Ruru sa kanilang trabaho.

Abala pa ang Kapuso actor sa kanyang Hari ng Tondo. Si Bianca naman ay surprise raw muna kung ano ang susunod na gagawin niya sa GMA 7. “Maraming sorpresa. I’m happy with all the work that I’m also doing now.

“Although, hindi pa lahat ay announced. Pero excited din po ako sa lahat na ginagawa ko,” tugon nito.

JmFyang movie, nilampasan si Vice

Kapapasok lang sa Netflix ang pelikulang Almost Us nina JM Ibarra at Fyang Smith ng Regal Entertainment.

Maganda ang resula nito sa takilya at mukhang mamamayagpag din ito ngayong streaming na sa Netflix.

Nag-number one na itong JMFyang movie sa top 10 trending movies sa naturang streaming service.

Niligwak nito ang Call Me Mother ni Vice Ganda na walong araw ring nangunguna sa top 10 movies.

Noong Sabado ay number 2 na lang siya, dahil sa pag-number one ng Almost Us.

Parang pang-streaming din ang crowd ng naturang pelikula kaya tingnan natin kung magtatagal ito sa number one.

Sa aming pag-check, pinakamatagal na nag-number one sa top 10 movies ngayong 2026 ay ang Wonderful Nightmare nina Jerald Napoles at Kim Molina. Naka-16 days ito dahil maganda ang feedback sa pelikula.

Inaasahan nga naming magtatagal pang nasa number one ang Call Me Mother ni Vice Ganda, pero pumasok na kasi ang Almost Us.

Pinanood namin uli itong Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Vice Ganda na nagpanalo sa kanyang Best Actor sa nakaraang MMFF.

Malamang may nanood din para sipatin nang husto ang acting ng Unkabogable Superstar, dahil may mga nag-e-emote bakit inisnab daw ng mga Manunuri si Meme Vice rito.

Hindi siya kasi napasama sa talaan ng mga nominado, gayung ‘yung mga natalo niya sa MMFF tulad nina Carlo Aquino ng Bar Boys: After School at si Earl Amaba ng I’mPerfect ay nominado.

At least napasama rin sa nominado ng kategoryang Best Actress ang winner ng MMFF na si Krystel Go.

Ang mahigpit niyang nakalaban doon na si Angelica Panganiban ng UnMarry ay ‘di pasok sa Gawad Urian.

Samantala, sa Netflix rin pala mai-stream ang MMFF Best Picture I’mPerfect, pero hindi pa namin nakuha ang schedule nito.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with