Kampo ni VP Sara pinababasura grave threats sa korte

MANILA, Philippines — Naghain ang kampo ni Vice President Sara Duterte ng motion to quash sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) upang ipawalang-bisa ang kasong grave threats na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanya.
May kaugnayan ang kaso sa naging pahayag ni Duterte noong Nobyembre 2024 online press conference kung saan sinabi niyang may kinausap siyang tao upang patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kanya.
Kinumpirma ni Atty. Lawrence Lim, abogado ni VP Sara, ang paghahain ng mosyon na nakabatay umano sa kawalan ng hurisdiksiyon ng korte. Tumanggi naman siyang magbigay ng iba pang detalye dahil nakabinbin pa ang usapin.
Samantala, sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na bibigyan ng limang araw ang prosekusyon upang magsumite ng komento hinggil sa mosyon ng kampo ng bise presidente.
- Latest


















