^

Bansa

NPA banta sa Bgy., SK elections - AFP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
NPA banta sa Bgy., SK elections - AFP
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal, na banta na rin sa darating na eleksyon sa Mayo ang mga mi­yembro ng NPA lalo na ang mga nasa malala­yong lugar.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na banta sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataang (SK) election ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal, na banta na rin sa darating na eleksyon sa Mayo ang mga mi­yembro ng NPA lalo na ang mga nasa malala­yong lugar.

Paliwanag pa ni Madrigal, tiyak na tatangkain ng mga NPA na impluwensiyahan ang mga kandidato na posibleng mananalo.

Bukod dito, minomonitor na rin umano ng militar kung sino ang mga kandidato na sinusuportahan ng nasabing rebeldeng grupo.

Subalit sa ngayon ay wala pa namang namomonitor ang militar dahil mag-uumpisa pa lamang ang kampanyahan sa mga susunod na araw.

Giit pa ni Madrigal, sa ngayon ay aktibo pa rin ang militar sa mga lugar na inaasahang magiging magulo at patuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa mga rebeldeng grupo.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with