^

Pang Movies

Kim at Ryan, parehong sinuwerte sa PBB!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kim at Ryan, parehong sinuwerte sa PBB!
Ryan

How interesting, Salve A., marami na ang natulungan ng Kapamilya reality show, Pinoy Big Brother (PBB), mula nang maisahimpapawid ito in 2006.

Isa sa mga nanalo sa programa  ay si Kim Chui, who is now one of the most important stars ng ABS-CBN at Star Cinema.

Tubong Cebu, Kim was 17 when she joined the first PBB. Wala siyang ideya what the show had in store for her. Basta ang hope niya posibleng maging simple, kapag nanalo siya, magandang buhay ang naghihintay for her at sa kanyang mga kapatid, sa nabanggit na timpalak.

Laking lola silang magkakapatid, since mga bata pa sila, nagkawalay na ang kanilang parents at nagkaroon uli ng kanya-kanyang pamilya.

Three years ago lang nang binawian ng buhay ang kanilang ina.

Their lola somehow gave them a good life. May tindahan ito ng tela at tumutulong sila sa lahat ng gawain at maging sa bahay din.

Sa kanya itinuka ng kanyang lola ang pagiging kahera ng tindahan.

Well, hindi na kailangang i-elaborate pa kung anu-ano ang mga naidulot na pagbabago sa buhay nila, most especially, to her lola, magwagi siya sa PBB.

Sabihin na nating coincidence ito, pero parehong buhay ang pinagdaanan ni Kim at Ryan Bang, na kasalukuyang leading man ng dalaga sa soon-to-be released comedy cum romance movie, ang DOTGA (Da One They Ghost Away).

Si Ryan ay produkto rin ng PBB, pero hindi siya Pinoy. “Naging second place lang ako kay James Reid, na okay na rin sa akin. Henceforth kasi, naging busy ako with several projects,” pahayag ni Ryan.

Siya ay regular na napapanood sa Kapamilya daily (Mon to Fri) noontime musical show ng ABS-CBN, ang It’s Showtime.

Sundays naman ay napapanood siya sa gag program, Banana Sundae.

Napapanood din siya, Monday to Friday, sa current trending series, Sana Dalawa Ang Puso, aired before It’s Showtime.

Showing in theaters nationwide ang DOTGA, starting April 18. And his mom, who is based in Korea, is coming to the country, to watch the premiere  on April 18.

Pero wala pa ring title, Aga at Alice nagso-shooting na sa Greenland!

Now in Greenland, an island in the Atlanta, are Aga Muhlach and Alice Dixson filming a still untitled flick with Joyce Bernal.

“They are going to finish all the exterior of the movie there, kaya, malamang daw na before the end of May makabalik ang team na bumubuo ng production.

“In June naman yata sisimulan ni Aga ang pelikula niya with Bea Alonzo, na magso-shooting naman sa Canada,” said someone close to Aga.

Wala ring tiyak na titulo itong first movie together nina Aga at Bea. Reports say, though na ang producer at director nito ay si Paul Soriano

 

vuukle comment

KIM AT RYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with