^

PM Sports

F2 Logistics, PeTron target ang semis

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Haharapin ng top seed na F2 Logistics ang No. 8 Smart Prepaid habang magtatagpo naman ang second seed na Petron at No. 7 Generika-Ayala sa quarterfinal round ngayon sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Gen. Trias Sports Center sa Cavite.

Ang Cargo Movers at Blaze Spikers ay parehong may twice-to-beat advantage sa magkahiwalay na laro kaya inaa-sahan ang mainit na laban dahil ayaw din ng Giga Hitters at Lifesavers na matapos na ang kanilang kampanya sa season opening conference.

Ang apat na mananalo sa quarterfinal matches ay aabante sa best-of-three semifinal series na magsisimula sa Abril 24.

Inaasahang muling hahataw ang Cuban hitter na si Gyselle Silva at Serbian Sanja Trivunovic para mapigilan sina Maria Jose Perez at Kennedy Bryan na tapusin agad ang quarterfinal battle.

Kung matatandaan, nagpaulan si Silva ng 56 puntos kaya muntik nang madisgrasya sa kanila ang Cocolife, 23-25, 21-25, 27-25, 25-19, 14-16 noong Abril 7.

Sa iba pang laro, dadalhin ng Generika Lifesavers ang momentum mula sa kanilang panalo sa Cignal HD, 25-22, 25-20, 25-20 noong Huwebes para manatili ang pag-asa sa conference na ito.

Galing din sa panalo ang Petron kontra sa Cocolife, 25-14, 23-25, 15-25, 25-14, 15-13 noong Abril 10 kaya mataas din ang kanilang kumpiyansiya sa laro.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with