^

Kutob

Pebrero 17, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Zodiac Sign of the month

AQUARIUS Enero 20 - Pebrero 18

Mag-ingat sa labis na pagkagiliw sa pagkain ng matamis, mamantika at maalat. Ang biglaang pangangailngan ay madaling matutugunan kung pagsisikapan. Walang masasayang na sandali sa pagtupad ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 21, 29 at garnet.

PISCES Pebrero 19- Marso 20

May karibal sa nagugustuhang dalaga o binata. May malaking pag-asa na ikaw ay magtatagumpay sa kanyang pag-ibig kung paiiralin ang kahinahunan at pagkamaginoo. Makikilala ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 19, 23 at violet.

ARIES Marso 21 - Abril 19

Ang pamamalagi sa tahanan ay magbibigay ng lubos na kasiyahan. Ang labis na pagpupuyat ay magdudulot ng hindi maganda sa kalusugan, dapat itong iwasan. Magtiyaga dahil may katumbas itong tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 17, 26 at orange.

TAURUS Abril 20 - Mayo 20

Mapapaunlad ang ugnayang sosyal kung pagsisikapan. Ang tipanan ay ipagpaliban para hindi magkasamaan ng loob. Bigyang pansin ang pakikipag-ugnayan sa komunikasyon. May gantimpala sa tapat na paglilingkod. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 19, 27 at yellow.

GEMINI Mayo 21- Hunyo 21

May lihim na tagahanga. May pakinabang ang nilalakad na transaksyon. Pakinggan ang kutob sa pagpapasya at tiyak hindi magkakamali. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral para makamit ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 10, 12 at pink.

CANCER Hunyo 22 - Hulyo 22

Kung may suliranin, makakahanap ng tamang solusyon. Panahon na para ibaling ang pansin para sa sariling kapakanan. Walang sagabal kung ilalagay sa maayos ang lahat. Ikaw ang magsisilbing halimbawa sa pamilya o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 14, 31 at brown.

LEO Hulyo 23 - Agosto 22

Pangkaraniwan ang takbo ng mga pangyayari. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng tulong, na dapat hindi pagkaitan. Ang tapat na pakikitungo sa kapwa ay may gantimpala. Iwasan ang mahumaling sa barkada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 22, 25 at blue.

VIRGO Agosto 23- Setyembre 23

Habang nag-iisip ng magandang paraan sa gawain, may mang-aasar kaya pasensiya at hinahon ang pairalin. Magiging masaya ang pamilya sa mga binabalak. Matutupad ang pangako o ipinangako. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 22, 30 at white.

LIBRA Setyembre 24- Oktubre 23

Paglabanan ang kalituhan. Huwag magpadalus-dalos at iwasang magpatangay sa emosyon. Isang nagmamalasakit na kaibigan ang makakatulong sa suliranin. Kailangan ang payo ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 11, 27 at red

SCORPIO Oktubre 24 - Nobyembre 22

Sa minsang pagkadulas ng dila, maaari kang makapagsalita nang makakasakit sa damdamin ng iba. Iwasan ang maging mapagpuna. Maging alerto sa mga taong may hangarin na manlinlang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 15, 19, 34 at crimson red.

SAGITTARIUS Nobyembre 23 -Disyembre 21

Walang dapat panghina-yangan sa pangyayaring magaganap, hanggang magising sa katotohanan na mali ang desisyon. Maging aral sa’yo ang mga naga-nap. Magandang magsimula ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 18, 24 at aquamarine.

CAPRICORN Disyembre 22- Enero 19

Iiral ang katamaran. Maki-bagay at makiisa sa mga kasamahan. May bagong romansa na darating. Makakatulong sa problema ang kaibigan kung kakailanganin. May ilang kaibigan na hindi mapagkakatiwalaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 27, 30 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with