^

Police Metro

5 Abu patay sa rescue ops

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay sa isinagawang rescue operation ng tropa ng pamahalaan ang limang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf  Group  (ASG) nang makasagupa ang  tropa ng pamahalaan kamakalawa sa Bud Bawis, Panamao, Sulu.

Sa ulat ni Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, dakong alas-4:30 ng mada­ling araw ay nagsasagawa ng rescue operation ang tropa ng Philippine Marines-Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3 sa nasabing lugar nang makasagupa ang 30 bandidong kidnaper  na mga tauhan nina Abu Sayyaf Sub-leader Sansibar Bensio at  Hatib Munap Binda.

Hindi nakaya ng mga bandido ang puwersa ng tropa ng pamahalaan kaya’t napilitang magsitakas at inabandona ang mga napaslang nilang limang kasama.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang  apat sa  bangkay ng mga napatay na bandido at isang M14 rifle na gamit ng isa sa mga ito habang ang isa pang napaslang ay nabitbit ng mga nagsitakas nilang kasamahan base na rin sa pahayag ng mga tipster na sibilyan sa lugar.

Patuloy ang search and rescue operations ng tropang gobyerno sa nalalabi pang  mahigit 10 pang bihag ng Abu Sayyaf Group.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with