^

Punto Mo

Isla Paraiso (119)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makita ni Jumbo na papalapit sa kanya si Bart ay umambungal ito ng iyak.

“Bart, tulungan mo akoooo, hu-hu-hu!’’

Tumigil si Bart sa harapan niya – sa pagitan ng mga kamay niya na nakakapit sa gilid ng hukay.

“Bart, sige na tulungan mo ako. Gawin mo akong alipin. Pagsisilbihan kita Bart.’’

Bumuntonghininga si Bart. Malalim ang ginawang hugot.

Nagpatuloy naman si Jumbo sa pagmamakaawa. Umiyak pa nang malakas.

Hanggang hawakan nito ang sapatos ni Bart. Kumapit doon. Naramdaman ni Bart ang higpit ng pagkakahawak ni Jumbo.

Hangg ang sa bumigay na si Bart. Yumuko siya para abutin ang mga kamay ni Jumbo.

Humawak si Jumbo sa mga kamay ni Bart. Mahigpit.

Binatak siya ni Bart para makasampa sa gilid ng hukay. Mabigat si Jumbo. Pero dahil gusto niyang matulungan na ito at mailigtas sa tiyak na kamatayan, pinilit niyang hilahin para maiangat.

Hanggang sa maisampa na niya sa gilid. Ligtas na sa pagkahulog.

Pero ang hindi inaasahan ni Bart ay ang pag-apuhap ni Jumbo sa kanyang baril na nasa baywang! Pilit na inaabot. Hanggang sa tuluyan na nitong mahawakan ang puluhan ng baril at pilit binubunot.

Pilit na inalis ni Bart ang kamay ni Jumbo. Hannggang sa mabunot na ang baril. Nag-agawan sila. Halos nasa gilid pa ng hukay si Jumbo.

“Traidor ka talaga Jumbo. Sagad na sa buto ang kasamaaan mo!’’

“Papatayin kita, Bart! Papatayin kita!’’

Hanggang naagaw ni Jumbo ang baril!

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with