Kris handa sa totoong kasarian ni Bimby!
In fairness sa three-part Webisode ni Kris Aquino for PLDT na naka-post sa kanyang Facebok page, may pasabog.
Sa part 2 kasi ay na-discuss nila ng anak na si Bimby ang napaka-sensitive issue na homosexuality at ang bagets mismo ang nagsimula ng topic.
Nabanggit kasi ni Kris na hindi rin madali ang buhay ng mga anak niya being Kris Aquino’s children.
“I also have to be honest with all of you, it’s not easy to be my kids because wherever they go, di ba may social media, may mga issues, may mga ano. . .” sabi ni Kris.
At dinugtungan ito ni Bimby.
“Like people think, like. . .”
Tanong naman ni Kris, “what?”
“I’m a homesexual,” diretsong sabi ni Bimby.
Sambit naman ni Kris, “yeah, don’t be homophobic, right?”
Sagot naman ni Bimb, “yeah!”
And Kris went on saying, “that’s the whole message and whatever your choice in life, that’s your choice.”
Tanong naman ni Bimby sa bashers niya, “why would you judge a child?”
Na sinang-ayunan naman ni Kris at aniya, “don’t judge a child and don’t make a decision for the child.”
Salo naman ulit ni Bimb, “It’s because we’re still learning about ourselves and puberty hasn’t struck for me yet. Two and a half more years, mom.”
Sagot naman ni Kris, “I’m not ready, Bimb. Huwag muna. Okay ‘yung ano. Hindi pa ready ang mama mo for that.”
Sa comments section ay marami ang pumuri sa mag-ina. Kay Kris, sa napakagandang pagpapalaki sa kanyang mga anak at ang sinabi niyang irerespeto niya kung ano ang choice ng anak at kay Bimby naman, sa napaka-mature at napaka-smart na pag-handle niya ng ganito kasensitibong issue.
Pag-upo ni Ellen sa hagdan masama raw sa baby
Inulan na naman ng katakut-takot na komento ang latest post ni Ellen Adarna sa kanyang IG na larawan nila ni John Lloyd Cruz na magkasama last Christmas Day.
Kahit sa caption ay simpleng Merry Christmas lang naman ang inilgay ni Ellen, the picture tells a thousand words, ika nga at bahala ka nang mag-interpret kung ano ang nakikita mong meaning nito.
Sa larawan ay makikitang nakaupo sa hagdan sina Ellen at Lloydie at mukhang masaya naman sila. Dito pa lang, obvious na magkasama silang nag-celebrate ng Christmas though wala namang nakalagay na location sa post.
Pero kung kami ang tatanungin, ang unang-una naming napansin sa larawan ay ang pag-upo ni Ellen sa hagdan. May nagsabi na ba sa kanila ng pamahiin na bawal maupo ang buntis sa hagdan dahil magiging patigil-tigil daw ang paglabas ng baby?
Well, pamahiin lang naman ito at hindi rin naman napapatunayang totoo though wala namag masama kung susundin. Besides, wala pa naman opisyal ding pag-amin mula sa dalawa na totoo nga ang tsikang preggy nga si Ellen at hindi rin naman makita sa picture dahil medyo madilim ang pagkakakuha.
- Latest




















