^

Pang Movies

Mensahe ng anak ni Daboy tuwing death anniversary iisa lang!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ginunita kahapon ng naulilang pamilya ni Rudy Fernandez ang ika-walong taon na anibersaryo ng pagpanaw niya.

Naging consistent si Rap, ang panganay nina Rudy at Lorna Tolentino sa mensahe nito para sa kanyang ama.

Ito ang message ni Rap para kay Daboy noong 2015, “Pitong taon na ang lumipas, ‘di mabubura ang tatak mo sa puso’t isip ko, mahal na mahal kita aking natatangi’t dakilang ama.

Ngayong 2016, ito naman ang mensahe ni Rap,

“Walong taon na ang lumipas, Di mabubura ang tatak mo sa puso’t isip ko, mahal na mahal kita aking natatangi’t dakilang ama.”

Sa susunod na taon, alam na natin ang magiging mensahe ni Rap para kay Daboy dahil consistent nga siya. Papalitan lang niya ng siyam na taon ang walong taon.

Dennis at Jennylyn ‘di na bagay magpa-bebe

Marami talaga ang nakikinig sa tsikahan portion namin nina Ali Sotto at Arnold Clavio sa radio program nila sa dzBB.

May mga request na sana raw, everyday na ang aming tsikahan portion na imposibleng mangyari dahil may conflict sa ibang mga raket ko ‘no!

Interesadung-interesado ang mga radio listener sa love story nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na natsismis na naghiwalay kamakailan.

Naghiwalay ba o nagkaroon lang ng lover’s quarrel? May kumakalat kasi na balita na nagkabalikan ang dalawa matapos magkaroon ng misunderstanding.

Hindi na generous sina Jennylyn at Dennis sa pagkukuwento tungkol sa mga nangyayari sa kanilang personal na buhay dahil natuto na sila ng leksyon sa first break up nila.

Pero noong isang araw ay may mga nakausap si Dennis na reporter at sinabi niyang hindi naman sila hiwalay ni Jennylyn.

Mabuti naman at least hindi na siya nagpabebe. May mga anak na sila para hindi panindigan ang kanilang mga pinaggagagawa.

Mga buntis sa showbiz, maliliit ang tiyan at walang manas

Trend yata ngayon ang mga showbiz personality na buntis pero hindi halata na malaki ang kanilang mga tiyan.

Kita n’yo naman, malapit nang manganak sina Iya Villania, Michela Cazzola at Diana Zubiri pero hindi nagbago ang kanilang mga itsura. Hindi namanas at magaganda pa rin ang mga mukha nila.

Umapir kahapon si Iya sa presscon ng Home Foodie at pinuri-puri ng mga reporter ang kanyang pagbubuntis.

Marunong mag-alaga ng katawan si Iya kaya halos hindi nagbago ang korte ng kanyang katawan.

Invited ako sa baby shower para kay Diana noong Linggo pero hindi ako nakapunta dahil wala akong driver. Pinadalhan ko na lang siya ng pambili ng laruan ng kanyang baby girl na may pangalan na Aliyah Rose. Hindi tumaba si Diana dahil kontrolado ang pagkain nito at regular ang pagdalo niya sa yoga classes.

Palaging kasama ni James Yap sa pagrampa ang kanyang dyowa na si Michela kaya nasubaybayan ng fans ang pagbubuntis ng Italyana. Walang-wala sa itsura ni Michela na hirap ito sa paglilihi at pagbubuntis sa coming soon na half-sibling ni Bimby Yap.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with