^

Police Metro

Habang natutulog... Ginang ginilitan ng selosong lover

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na ginang ang nasawi nang pagsasaksakin ng kanyang lover at dalawang kasama nito habang mahimbing na natutulog kamakalawa ng gabi sa Brgy. Milagrosa, Calamba City.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival dahil sa mga tinamong saksak partikular sa leeg  ay kinilalang si  Jasmin de Guia, residente ng nasabing lugar.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Noli Pedelino, 47, live-in partner ng biktima at tubong Pola, Oriental Mindoro habang patuloy pa ring pinaghahanap ang dalawa nitong kasabwat.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima nang pasukin siya ng lover at dalawa nitong kasamahan at pagtulungang pagsasaksakin.

Nagsitakas ang mga suspek at may nakakita kay Pedelino na may bahid ng dugo sa damit bunsod upang ikasa ang operasyon.

Nabatid sa pulisya na matinding selos ang motibo ng pagpatay sa ginang ng kanyang lover.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CALAMBA CITY

GUIA

ISANG

MILAGROSA

NABATID

NOLI PEDELINO

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with