^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (404)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“GALIT ka pa ba sa akin, Julia?’’ tanong ni George  habang nakadikit na ang katawan kay Julia.

Walang sagot si Julia. Nakatungo lang. Pero wala nang galit na mababanaag sa mukha. Pa­rang nalusaw na. Maaaring dahil sa mga sinabi ni George kanina na handa siya nitong paka­salan. Hindi siya tatalikuran at hindi lolokohin.

“Galit ka pa ba Julia­?” tanong muli niya.

At sa pagkagulat ni George, umiling si Julia. Ibig sabihin, hindi na galit sa kanya.

“Totoo, Julia?”

Tumango si Julia.

“Hindi mo na ako ide­demanda?”

Tumango muli.

Sapat iyon para ya­kapin na nang mahigpit ni George si Julia. Ngayo’y sigurado na siya sa babaing ito. Kanyang-kanya na si Julia. Wala nang ibang magmamay-ari sa babaing ito na matagal din naman niyang pinangarap na ma­ging siyota. Ngayo’y hindi lamang magiging siyota niya si Julia kundi magiging asawa na.

“Magpakasal na tayo bukas din, Julia. Saang simbahan mo gusto?’’

Napangiti si Julia. Pero pilit tinago.

“Totoo Julia, pakasal na tayo bukas.’’

“Mangumpisal ka muna ng mga ka­salanan mo bago kita sagutin. Paano ka ba nakapasok dito sa condo ko?”

“Hindi naka-lock ang pinto kaya pu­masok ako. Naliligo ka nang dumating ako at natabig ko ang dumb bell. Narinig mo siguro yun?”

Tumango si Julia.

“Iniwan kong bukas ang pinto dahil alam kong dara­ting si Sam.’’

“Hindi siya darating, Julia. Nag-usap na kami ni Sam. Sa halip na siya ako ang pinapunta niya.’’

Gulat na gulat si Julia. Talagang magkakutsaba ang dalawa. Nadenggoy siya. Sa halip na ang masira ay si Sam at Aya, walang ibang nasira kundi siya. At si George ang na­kinabang. Pero ngayo’y tanggap na niya ang lahat. Hindi na siya galit kay George o maski kay Sam. Mahal na rin niya si George. Gusto na niyang magpakasal dito. Si George ang nakauna sa kanyang pagkababae.

“Naisahan mo ako George,” sabi niyang nakatawa.

“E Julia, ngayong mahal mo rin pala ako, gusto ko uling makaisa.’’

Kinurot siya ni Julia sa braso.

vuukle comment

E JULIA

GEORGE

JULIA

NGAYO

PERO

SHY

SIYA

TUMANGO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with