^

PSN Showbiz

Bela, sanay nang makipaghiwalay?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Bela, sanay nang makipaghiwalay?!
Bela Padilla

It was in January 2025 nang mag-decide  si Bela Padilla na sa Pilipinas manirahan matapos itong mag-move sa London nung November 2020. At that time, karelasyon pa niya ang Swiss-Italian na si Norman Ben Bay na nakilala niya in Switzerland nung sinu-shoot nila ni Carlo Aquino ang pelikulang Meet Me in St. Gallen nung 2017.

Habang nasa London si Bela, nag-aral siya ng acting sa Royal Academy of Dramatic Art nung November 2023 habang pabalik-balik siya ng London at Pilipinas kapag meron siyang project na kailangang gawin.

At late 2024 nagkahiwalay sina Bela at ng kanyang dating boyfriend na si Norman Bay dahil January 2025 siya bumalik ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang career dito.

Pero hindi nagtagal ay muling nakatagpo si Bela ng bagong mamahalin sa katauhan ng tech CEO na si Martin Tan na kanya lamang ina­min early part of this month (September).  Pero ganun na lamang ang pagkabigla ng marami nang siya (Bela) mismo ang mag-announce sa kanyang Instagram account na wala na sila ng kanyang boyfriend of eight months na si Martin.

Ang maganda, hindi bitter si Bela sa kanilang paghihiwalay at pinasalamatan pa niya ang da­ting boyfriend sa mga panahong naging masaya silang dalawa.

Bela was previously in a relationship with businessman and film producer na si Neil Arce na mister na ngayon ng aktres na si Angel Locsin.

Matapos ang sampung taong pagiging contract artist ng Viva Artists Agency (VAA) for ten years ay balik si Bela sa pangangala ng kanyang dating home studio, ang Star Magic.  Pero may natitira pa siyang limang pelikula sa bakuran ng Viva Films.

Nasasanay na!

Since nasanay na si Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex respectively sa kanilang malayang buhay sa Amerika kasama ang kanilang dalawang anak na sina Prince Archie at Princess Lilibet, unti-unti na rin nilang sinasanay ang kanilang mga sarili sa kanilang buhay sa labas ng royal family ngayon kinu-consider na sila ni Prince Charles III, ama ni Prince Harry at ng kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William (next to the throne) na mga pribadong citizens kahit nakabalik na sila ng United Kingdom.

Tulad ng kanyang namayapang ina, ang People’s Princess na si Princess Diana na malapit sa puso ng mga tao, most likely na ganito rin ang mangyari kina Prince Harry at Meghan dahil wala na silang wall sa kanilang pakikihalo-bilo sa mga tao dahil mga private citizens na sila .

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with