Dizon, walang planong kumandidato sa 2028

MANILA, Philippines — Wala umanong plano si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028 national elections.
Ayon kay Dizon, hindi mangyayaring kakandidato siya sa halalan dahil hindi naman siya pulitiko.
“I’ve said this repeatedly already, I am not a politician, trabahante lang ako. I am just an employee that has been working in and out of government for the last 28 years, that’s all I do,” pahayag ni Dizon.
Ani Dizon, balak niyang bumalik sa pribadong sektor, sakaling matapos na ang kanyang stint bilang kalihim ng DPWH.
Gayunman, tiniyak niyang handa siyang maglingkod, sakaling hilingin ito sa kanya.
Matatandaang si Dizon ay unang itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. upang maging kalihim ng Department of Transportation (DOTr) kung saan nakatanggap siya ng magandang feedback sa publiko dahil sa kanyang mahusay na pagtatrabaho.
Nang pumutok ang isyu ng maanomalyang flood control projects, si Dizon rin ang napiling italaga ng Pangulo sa DPWH upang linisin ang ahensiya mula sa mga katiwalian.
- Latest





















