^

Metro

Kotse hulog sa parking ng hotel; driver, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kotse hulog sa parking ng hotel; driver, patay
Nagkayupi-yupi at halos madurog ang Toyota Vios, kung saan naipit sa loob ang driver na  si Edgardo Villanueva Goze, 55, residente ng South Daang Hari, Taguig City na idineklarang dead-on- the spot.
File

MANILA, Philippines — Patay ang driver ng isang kulay puting sedan nang mahulog matapos  mag-overshoot mula sa ika-apat na palapag ng multi-level parking ng isang hotel (Citadines), sa Makati City, Huwebes ng umaga.

Nagkayupi-yupi at halos madurog ang Toyota Vios, kung saan naipit sa loob ang driver na  si Edgardo Villanueva Goze, 55, residente ng South Daang Hari, Taguig City na idineklarang dead-on- the spot.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente alas- 11:46 ng umaga kahapon sa Jimenez St., Brgy. San Lorenzo, Makati.

Sa imbestigasyon,  pababa sa driveway mula sa ika-5 palapag patungo sa ika-4 na palapag ng parking area ang biktima nang  bumangga sa ­pader ng gusali ang sasakyan, at doon nawalan ng kontrol. Tinamaan ang bollard at nagtuluy-tuloy hanggang sa mahulog na mula sa ikaapat na palapag patungo sa labas ng gusali.

Ayon kay  Makati City Police Chief PCol. Pedro Alagano Jr., unang nakarinig ng kalabog mula sa gusali hanggang sa lumusot palabas  ng gusali ang kotse at nahulog. Mapalad at walang nadamay sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with