^

Metro

3 Hapones, Pinay timbog sa ‘fixed marriage’ modus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 Hapones, Pinay timbog sa ‘fixed marriage’ modus
Sa report na tinanggap ni CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II, nabuking ang grupo matapos magsumbong ang isang Pinay na ipinakasal umano sa isang Japanese national sa pangakong magkakaroon siya ng trabaho sa Japan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong Japanese nationals at isang Pinay sa Maynila dahil sa umano’y  “fixed marriage” modus sa pagitan ng mga Japanese at Pilipina kapalit ng pangakong trabaho sa Japan, matapos ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa report na tinanggap ni CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II, nabuking ang grupo matapos magsumbong ang isang Pinay na ipinakasal umano sa isang Japanese national sa pangakong magkakaroon siya ng trabaho sa Japan. Hindi siya natuloy na ipadala sa nasabing bansa kahit matapos ang kasal.

Naghinala ang babae nang malaman niyang nag­hahanda na naman ang mga suspek ng panibagong kasal, kaya agad niya itong ini-report sa CIDG.

Dinakip ang mga suspek sa operasyon sa Malate, Maynila dakong alas-11:10 ng gabi noong Nobyembre 21 dahil sa paglabag umano sa Republic Act 10906 o Anti-Mail Order Spouse Act. Kinilala ang mga Japanese na sina Taku, Kenu at Jimu, habang si Rina naman ang Pinay na kasama sa grupo.

Naabutan umano ang mga suspek habang inaayos ang kasal ni Jim sa isa pang Pilipina. Sa kanilang modus, naghahanap sila ng mga babaeng Pinay na pinapartner sa mga Japanese national kapalit ng pangakong trabaho at mas madaling pagkuha ng visa sa Japan.

Nagbabala si Morico na maaaring mauwi sa pang-aabuso, prostitusyon, pagsasamantala at karahasan ang ganitong uri ng panlilinlang. Tiniyak niyang patuloy na kikilos ang pamahalaan upang protektahan ang mga Pilipino laban sa mga ilegal na gawaing gu­magamit sa kasal bilang paraan ng pagsasamantala.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with