OVP, itinanggi ang ugnayan sa Cale88
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi kahapon ng Office of the Vice President (OVP) na may kaugnayan ang kanilang mga aktibidad sa pagtatanim ng puno sa compliance ng Cale88 Foods Corporation sa isang rekisito ng Board of Investment
Tahasang itinanggi ng OVP ang pagbanggit ni prosecution counsel Atty. Erwin Matib ang isyu sa hilig sa tree planting ni VP Sara Duterte sa ika-45 araw ng impeachment trial noong Biyernes.
“Any attempt to link the Vice President’s participation in the OVP’s environmental initiatives to Cale88 Foods Corporation’s BOI compliance is misleading, malicious, and has no factual basis,” anang OVP.
Una na ring tinutulan ni Atty. Justin Nicol Gular, defense counsel, ang pagpasok ng isyu ng pagtatanim ng puno at tinawag na “misleading, malicious, and callous”ang mga insinuation ng prosekyusyon na nag-uugnay sa Cale88 at OVP.
Sinabi nito na hindi nagsagawa ng katulad na inisyatiba ang Cale88,sa kabila ng mga requirement na magtanim ng puno ang ilang negosyo kapalit ng government incentives.
Ipinaliwanag nila na ang kanilang tree-planting campaign ay isang independent environmental initiative ng OVP bilang suporta sa pagsisikap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawasan ang carbon emissions at tugunan ang climate change.
Ayon pa sa pahayag ng OVP, mula nang ilunsad ang programa sa pagtatanim ng puno noong Marso 27, 2023, umabot na sa 1,386,682 na ang naitanim sa buong bansa, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang government agencies at private sectors.
- Latest















