^

Metro

ASEAN Summit larga na

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
ASEAN Summit larga na
President Ferdinand Marcos Jr. and Canadian Prime Minister Mark Carney hold a bilateral meeting on November 14, 2026 at the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay.
Photo/PCO

24K pulis ikinalat ng NCRPO

MANILA, Philippines — Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon na handang-handa at nakalatag na ang mga security arrangements para sa kaligtasan ng mga delegado sa gaganaping­ 49th ASEAN Summit and Related Summits  na gaganapin bukas,

Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 18.

“All-set na ang NCRPO para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits para sa November 16-18,”  ani NCRPO spokesperson PLt Col. Hazel Asilo sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Ayon kay Asilo, nasa 20,000 pulis ang ikinalat ng NCRPO habang nasa 4,000 na augmentation ang mula sa Regions 3, 1, at 4A. Nakatutok naman ang mga tauhan ng Police

Security and Protection Group (PSPG) sa pagi­ging close-in security ng mga delegates.

Maging ang mga International Media Center ay dadaan sa inspeksiyon ng K9 at PNP Explosive and Ordnance Disposal (EOD) units.

Kaugnay nito, sinabi ni Asilo na bagamat wala silang namo-monitor na anumang banta patungkol sa ASEAN Summit, patuloy pa rin ang ginagawang intel monitoring at pag-a-assess ng mga kanilang natatanggap.

Muli ring nagpaalala ang NCRPO sa mga raliyista na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng  protesta malapit sa ASEAN Summit venue.

Nilinaw naman ni Asilo na wala pang inilalabas na abiso hinggil sa signal jamming.

Una na ring sinabi ng  Pamahalaang Lungsod ng Makati na ipinagbabawal ang drone sa buong buwan ng Nobyembre bilang bahagi ng security measures kaugnay ng 49th ASEAN Summit.

Idineklara ng Mala­cañang  na walang  pasok mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa NCR.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with