^

Metro

Raliyista sa ‘no protest zones’, aarestuhin - NCRPO

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Christopher Abrahano na aares­tuhin at kakasuhan nila ang mga magpoprotesta sa mga “no protest zones” kasabay ng isinasagawang 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Ayon kay Abrahano, sinusunod lamang nila ang batas at mga restrictions kaya hindi rin nila  papayagan ang anumang mga paglabag habang dinaraos ang summit.

Ani Abrahano, nakasaad  sa Sections 13(a) at 14(a) ng nasabing batas na maaaring maparusahan ng pagkakakulong mula isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan ang mga organizer na magsasagawa ng pampublikong pagtitipon nang walang kinakailangang permit o gagamit ng permit sa lugar na hindi saklaw ng awtorisasyon.

Hinimok din ng NCRPO chief ang mga grupong nagnanais magsagawa ng kilos-protesta na idaos ang  kanilang mga aktibidad sa mga opisyal na itinalagang freedom parks. Ipinaalala niya na sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act of 1985, kinakaila­ngan ang kaukulang permit sa pagsasagawa ng mga pampublikong pagtitipon, maliban sa mga lugar na kinikilalang freedom parks.

Iniutos na ni Abrahano sa mga district director, chief of police at station commander na tiyakin ang mahigpit na

pagpapatupad ng mga panuntunan sa seguridad, partikular sa paligid ng mga venue ng summit at iba pang mahahalagang pasilidad. La-yunin nitong maiwasan ang anumang aberya na maaaring makaapekto sa seguridad at operasyon sa panahon ng international gathering.

Samantala, tiniyak ng NCRPO na makikipag-ugnayan ito sa mga lokal na pamahalaan at mga organizer ng protesta upang mapangasiwaan nang maayos ang mga legal na demonstrasyon. Kasabay nito, paiigtingin ng pulisya ang mga hakbang sa seguridad upang mapanatili ang kaayusan, tuluy-tuloy na daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko sa buong panahon ng summit.

ASEAN

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with