^

PM Sports

Mapua gustong dumalawa sa Lyceum

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Mapua University ang troika nina Ivan Lazarte, Cyrus Cuenco at Marcus Nitura upang makaulit sila ng panalo sa Lyceum of the Philippines University sa simula ng play-in sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa FilOil EcoOil sa San Juan ngayong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng Cardinals at Pirates sa alas-3 ng hapon, sunod ang labanan sa pagitan ng University of Perpetual Help System DALTA Altas at San Sebastian College Stags.

Parehong may tangan na twice-to-beat incentives ang Mapua at Perpetual matapos nilang upuan ang No. 4 spot sa Group A at B, ayon sa pagkakasunod pagkatapos ng preliminary round.

May kartang 7-6 ang Cardinals habang 4-9 ang baraha ng Pirates.

Noong Lunes lang ay kinaldag ng Mapua ang Lyceum kung saan ay si Kyle Timbol ang sinandalan nila sa opensa matapos magtala ng 20 points at tatlong rebounds.

“Sa’min, momentum talaga ‘to kasi kailangan namin ‘yong confidence namin heading to the play-in games,” sabi ni Timbol.

Ibabangga naman ng Pirates sina Khen Caduyac at Carl Nocum para pangunahan ang kanilang opensa at makahirit sila ng do-or-die game.

Tulad ng Lyceum kailangan din ng San Sebastian na talunin ng dalawang beses ang Perpetual Help para makapasok sa quarterfinals.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with