Anne, emosyonal sa performance ni Dahlia

May nakita na kaming video ni Anne Curtis na nasa recital ng anak na si Dahlia at magkatabi sila sa upuan ni Erwan Heussaff.
Very proud ang dalawa habang pinapanood ang anak at si Anne nga, sumasabay pa kay Dahlia sa pagkanta ng This Is Me.
Emosyonal si Anne at parang maiiyak habang nakatingin sa anak na kumakanta in her blue gown.
“Our little girl with big dreams.
“So brave, and we are so, so, so proud.
“This Is Me” couldn’t think of a better song choice for her very first recital. Watching her find her voice, embrace who she is (bagong bungi pa), and shine in her own little wat made this moment even more special.
“Ang through it all, we will be her biggest cheerleaders. Forever and always.
Thank you, Coach @jadericcio_soprano for nurturing this little 6 years olds voice and guiding her...we love you!
“Oh and how amazing that she got to sing with the Philippine events orchestra lead by Sir Lester. Salamat po. The music leader her are sweetly and softly on stage.”
And speaking of Anne, guest siya sa Symphony concert ng Cup Of Joe sa Smart Araneta Coliseum happening on Dec. 3, 2026. Kasama niyang guest sina Paolo at Miguel Benjamin ng Ben&Ben, Janine Teñoso at Wilbert Ross.
Paul, ‘di pabor sa jokee!
Mga biro na “Selos ang ex,” at “Selos yarn” ang comment sa reaction ni Paul Salas sa pagli-link at pagsi-ship ng viewers ng Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0 sa ex-girlfriend niyang si Mikee Quintos at co-housemate sa Bahay ni Kuya na si Jeo Ong.
Nag-comment kasi si Paul ng “Hindi naman sila bagay” na ang tinukoy nga ay sina Mikee at Jeo na sini-ship ng mga kinikilig na viewers.
Ang tinukoy siguro ni Paul ay ang age gap nina Mikee at Jeo dahil 10 years ang age gap nila. Mikee is 28 years old and Jeo is only 18 years old. Hindi raw maganda, sabi ng kontra sa JoKee love team. Para lang daw magkapatid ang dalawa.
Ayaw nga lang papigil ng mga kinikilig na shippers, pabayaan daw sila sa pagsi-ship sa dalawa, pareho naman daw single sina Mikee at Jeo. Saka, for fun lang ang shipping nila sa dalawa, hanggang sa loob lang ng Bahay ni Kuya dahil kapag may na-evict na sa dalawa, goodbye na sa kilig at sa JoKee love team.
- Latest



















