China: Ideklarang persona non grata envoy!

Hamon sa Pinas
MANILA, Philippines — Gumanti ang Chinese Embassy sa Maynila sa mga mambabatas na nagbabanta na ideklarang persona non grata ang Chinese envoy sa Pilipinas.
Nauna rito, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na hindi sapat ang pagpapatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Chinese ambassador para pag-usapan ang kanyang naging pahayag tungkol sa paggamit ng puwersa laban sa Pilipinas.
Sinabi ni Hontiveros na dapat umano itong ideklarang persona non grata ang Chinese envoy.
Sa isang post sa social media noong Biyernes ng gabi, hinamon naman ng embahada ang pamahalaan na ituloy ang pagpapaalis sa ambassador.
“Some senators and House representatives are talking about declaring the Chinese ambassador persona non grata,” ayon sa embahada.
Tinanong pa ng embahada kung ang pahayag ay isang banta o pananakot at dapat gawin na lamang at tigilan ang ‘bluffing.’
“Is this threat or coercion? But anyway, just do it. Otherwise, stop bluffing,” dagdag nito.
Matatandaang sinabi ni Chinese Ambassador Jing Quan na maaaring madaling mananalo ang China laban sa Pilipinas kung pipiliin nitong gumamit ng puwersa sa West Philippine Sea.
- Latest

















