Blazers umeskapo sa Altas sa OT
MANILA, Philippines — Nangailangan ng extra period ang College of Saint Benilde upang itumba ang makukulit na Univerity of Perpetual Help System DALTA, 81-79 kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil sa San Juan.
Sinandalan ng Blazers sina Justine Sanchez at Jhomel Ancheta sa dikdikang labanan upang ilista nila ang 4-1 karta at hawakan ang solo top spot sa Group A ng team standings.
Nagtala si Sanchez ng career-high 27 points, pitong rebounds at dalawang assists para sa Taft-based squad.
Nagpalitan ng bentahe ang dalawang koponan sa unang dalawang quarters, hinawakan ng Blazers ang one-point lead, 13-12 sa pagtatapos ng first quarter.
Inagaw naman ng Altas ang lamang sa second quarter, abante sila ng isa, 36-35 sa halftime at nanatili sila sa tuktok hanggang matapos ang third canto, 62-58.
Umarangkada agad ang Perpetual sa kaagahan ng fourth canto nang hawakan nila ang walong puntos na bentahe, 66-58 may 7:38 minuto pa sa orasan.
Biglang pumutok ang opensa ng Blazers matapos nilang magtala ng 12-5 run mula sa tatlong tres ni Jhomel Ancheta at isa kay Justine Sanchez upang ibaba sa isang puntos ang hinahabol , 71-70 may 3:24 na lang sa payoff period.
Sa unang laro, dinungisan ng Mapua University ang malinis na karta ng Arellano University matapos itarak ang 69-55 panalo. a
- Latest


















