No seat belt mahuhuli ng AI camera - MMDA
MANILA, Philippines — Hindi na makakalusot ang mga nagmamaneho na walang suot na seatbelt sa kalsada dahil sa awtomatikong gagawa ng violation ticket ang AI-powered camera kahit walang pisikal na traffic enforcer.
Ito ang naging babala ni MMDA Supervising Environmental Management Specialist Mocha Mateo sa programang “The Situation Report,” na kasama na artificial intelligence sa kanilang traffic management at enforcement systems.
“Yung cameras po ng MMDA actually nade-detect na po yun. Nade-detect po yung mga hindi naka-seatbelt,” sabi ni Mateo.
Aniya, may kakayahan sa pag-detect ng seatbelt ng parehong AI framework na nagpapagana sa kasalukuyang No Contact Apprehension Program (NCAP) ng MMDA, para sa pagproseso ng libu-libong traffic violations sa pamamagitan ng camera feeds nang hindi na kailangang pahintuin ng mga enforcer ang mga sasakyan.
Bukod dito, kabilang din sa smart city technology roadmap ng MMDA ang isinasagawang pilot testing ng variable message signs, tulad ng LED billboards na nagpapakita ng real-time na tantiyang oras ng biyahe sa pagitan ng mga pangunahing destinasyon sa Metro Manila.
Makatutulong ito mga motorista na makagawa ng matalinong desisyon sa ruta bago pumasok sa masisikip na kalsada.
- Latest















