‘Uwan’ hahagupit sa Sabado - PAGASA
MANILA, Philippines — Hindi pa man nakababangon sa hagupit ng bagyong Tino ang marami, isa pang bagyo ang maaring tumama sa bansa.
Ayon sa PAGASA, tinatahak ng Tropical Storm Fung-Wong ang Luzon at oras na pumasok sa bansa, tatawagan itong bagyong Uwan.
Malaki anya ang tsansa na tamaan ni Uwan ang central o northern Luzon at may tsansa rin na mag-landfall ang bagyo.
Namataan ang Tropical Storm Fung-Wong sa 1,690 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.
Taglay nito ang hangin na aabot sa 75 kilometro bawat oras at kumikilos ng hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Pinakamataas na warning signal ng Uwan ay maaring umabot sa Signal No. 5.
“A Signal No. 5 indicates winds of up to 185 kph or higher. A warning of that level poses an “extreme threat” to life and property,” sabi ng PAGASA.
Una nang nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of national calamity dahil sa lawak ng pinsala ng bagyong Tino.
- Latest















