^

Police Metro

Guinness nasungkit ng Pinas sa pinakamalaking ‘human lung’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Guinness nasungkit ng Pinas sa pinakamalaking ‘human lung’
Tinanggap nina Manila Mayor Honey Lacuna at DOH Secretary Teodoro Herbosa ang plaque of certification mula sa mga kinatawan ng Guinness World Records matapos masungkit ng Pilipinas nang makabuo ng imahe ng “Largest Human Lung” sa Quirino Grandstand sa Maynila, bilang komemorasyon ng World TB Day, kahapon.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nagbunyi ang daan-daang dumalo at naki­sali para sa pagbuo ng imahe ng “Largest Human Lung” matapos masungkit ng Pilipinas ang “Guinness World Record” bilang pagkakaisa laban sa sakit na tuberculosis (TB) para sa World TB Day 2024.

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) kasama ang iba’t ibang grupo mula sa sektor ng kalusugan, edukasyon, at mga local govern­ment units ang formation na nagsimula dakong alas-5 ng umaga kahapon sa Quirino Grandstand.

Hindi naman nabigo ang Pilipinas na makamit ang nasabing world record sa ikalawang pagkakataon.

Nabatid kay Chong Wai Yip, adjudicator ng Guinness World Records, kinonsidera ang bilang ng lumahok sa formation kung saan walang gap o puwang sa pagbuo ng pinakamahabang human lung.

Ayon sa mga kinatawan ng Guinness, tinalo ng Pilipinas na may 5,596 participants ang India na may 5,007 kataong nakilahok para buuin ang nasabing lung formation at  nakamit ng bansa ang world record.

Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa na mas paiigtingin ang kampanya at suporta para tuldukan ang sakit na TB.

Maliban kay Herbosa, nagpakita rin ng suporta sa aktibidad si Manila Mayor Honey Lacuna, ang World Health Organization (WHO), USAID, PhilCAT, at marami pang iba.

Dagdag ng DOH, may solusyon sa sakit na TB, at ito ay ang TB-DOTS o Tutok Gamutan na sinasabing pinakamabisang paraan para magamot ito.  

Nabatid na nasa 612,000 kaso ng TB ang naitala ng DOH noong 2023.

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with