Game plan ihahanda ng Gilas vs Dominican Republic

MANILA, Philippines — Pagtutunan na ng pansin ng Gilas Pilipinas ang pagbuo sa game plan laban sa Dominican Republic na unang makakasagupa nito sa FIBA World Cup sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sumalang sa tatlong sunod na tuneup games ang Gilas Pilipinas para sa 1-2 baraha.
Kasama na rito ang 77-84 pagyuko sa Mexico noong Lunes sa Philsports Arena sa Pasig.
Masaya si coach Chot Reyes dahil nakumpleto na ang kanyang mga bataan sa training camp at mga tuneup games.
“Obviously we would have wanted to win this (Mexico) game in particular but (still) a lot of positives. We were able to get Jordan and Kai (Sotto) and Scottie (Thompson) playing with the rest of the guys, and that’s the most important that we don’t go in cold,” wika ni Reyes.
Kaya naman nais ni Reyes na gamitin ang tatlong tuneup games upang makabuo ng game plan partikular na laban sa Dominica Republic.
“We’re now going to condense everything we learned in the tuneup in the last two months and everything we played in practice, a combination of video and court work,” ani Reyes.
Aminado si Reyes na importante ang tatlong susunod na araw ng training ng Gilas Pilipinas dahil dito bubuo ng solidong game plan ang tropa.
“Like I said, that’s what we have right now. These three days are going to be very, very important, (and) make sure we are ready (and) are at our highest form on August 25,” ani Reyes.
Sa katunayan ay nagtungo pa si Gilas assistant coach Tim Cone sa Granada, Spain upang ma-scout ang laro ng Dominican Republic sa tuneup games nito.
Naitala ng Dominican Republic ang 94-88 panalo laban sa Canada bago lumasap ng 77-86 kabiguan sa Spain.
Bitbit ni Cone ang video ng mga laro ng Dominican Republic na papanoorin ng buong Gilas Pilipinas.
- Latest
















