^

Pang Movies

Pokwang, may resbak sa P170k

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pokwang, may resbak sa P170k
Pokwang
STAR/ File

Nag-react na rin si Pokwang sa proposal ni Senator Alan Cayetano na lahat tayong  mga Pilipino mag-share ng P170,000 para mabayaran ang trillion na utang ng Pilipinas.

Sa kanyang Instagram Story inilabas ni Pokwang ang kanyang saloobin sa controversial na proposal ni Sen. Cayetano. “Sana po hindi totoong sinabi n’yo ito APC kasi haha­napin ko pa tuloy kung saan ‘yung ninakaw ko! Haaayy.”

Sa isa pang post sa Instagram story, larawan ng dalawang tao na nakaupo sa gilid ng kalsada ang ipinost ni Pokwang at may caption na “Kasama po sila sa sinasabing mag ambag ng 170K!!! ni hindi na nga makapag kape kase itataas naman ang presyo!!!”

Sinundan pa ng isang hirit na “Wag kasing nakaw ng nakaw yan ang solusyon!!!”

Siguradong marami ang nag-agree sa post na ito ni Pokwang dahil imposibleng makapag-ambag ang lahat ng taumbayan ng ganu’ng kalaking halaga.

Anyway, natutuwa ang TV viewers na isinasama na ang proposal ni Sen. Cayetano sa script. Sa isang episode ng Taskforce Firewall, namomroblema si Buboy Villar kung saan makakautang ng P170K para share raw niya. Tanong ni Jak Roberto, sakaling may magpautang sa kanya, saan naman siya kukuha ng ipambabayad sa inutang.

Tapos may kasunod na agad na isyu at ito ay ang suhestiyon na buwisan ang kape. Hintayin ninyo ang pagsabog ng dibdib ng mamamayan kapag ipinatupad ito.

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with