^

Pang Movies

Dating Modelo, condo at kotse ang demand sa extra service!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Grabe na pala kung humingi ng kapalit sa kanyang extra service ang isang dating male model na nadiskubre at napasok sa showbiz.

May appeal kasi si former model at may height kaya malakas ang atraksyon niya sa mga accla sa showbiz at negosyante.

Kung noong model time niya, swak na ang rate sa kanya na ranging P5K to P19K, ngayong mas marami na ang nakakakilala sa kanya, hindi lang pera ang kapalit ng serbisyo niya!

Kaya nang mataypan ang dating model ng negosyante, humihingi na ng condo o kotse bilang kapalit!

Eh alam ng male model na mayaman ang gustong makatikim sa kanya. Pero turned off ang negosyante sa hiling na kapalit sa serbisyo ni male model!

Pang-alis kati lang naman si male model ng maya­mang negosyante dahil may mga boylet siyang maliit lang ang kapalit pero pangmatagalan naman ang biyayang matitikman sa negosyante!

Sa totoo lang, pang-major support si male model dahil hindi qualified maging leading man, huh!

Jodi, may natanggap na miracle para sa ina!

May natanggap na miracle si Jodi Sta. Maria kamakailan.

Ito ay matapos malampasan ng kanyang ina ang ilang operasyon.

Malaking bagay aniya ito sa kanilang pamilya.

Inamin nga ng aktres na sumailalim ito sa triple coronary artery bypass operation noong 2025 matapos makipaglaban sa cancer.

Paalala raw ito sa kanya ng pagmamahal at katapatan ng Diyos.

Samantala, dama ni Jodi Sta. Maria ang obligasyon niya bilang leading lady ni Aga Muhlach sa film festival entry ng Viva Films at Next by PhilStar Media Group na 2nd Miracle in Cell No. 7.

Aba, number one movie nung 2019 Metro Manila Film Festival ang unang Miracle in Cell No. 7 na mahigit P540 million ang kinita sa festival run.

Eh base sa trailer ng movie na nakakaiyak at ang ganda ng bagong kumbinasyon nina Aga at Jodi. Bale prequel ito ng Miracle In Cell No. 7.

Bukod kay Aga, nagbabalik ang iba pang characters sa unang installment gaya nina Xia Vigor, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz at Nanding Josef.

Of course, mula pa rin sa script ni Mel Mendoza-del Rosario ang movie at sa direksyon ni Nuel Crisostomo Naval.

Matindi ang tagos sa puso ng 2nd Miracle in Cell No. 7 kaya huwag itong palampasin sa simula ng showing sa Pasko!

 

EXTRA SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with