Bulkang Mayon, nagtala ng mga pagyanig at rockfall signal
MANILA, Philippines — Nagtala ng walong volcanic earthquakes at isang rockfall signal ang Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Instittute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)
Ayon pa sa Phivolcs, nagtala rin ang bulkan nang pagluwa ng asupre na nasa 1,747 tonelada at katamtamang pagsingaw na nasa 100 metrong taas mula sa crater ng bulkan na napadpad sa kanluran-hilagang kanluran at hilagang-kanluran ng bulkan.
Naitala rin ang pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan
Dulot nito, patuloy na pinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng publiko sa loob ng anim na kilometrong (6km) radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa posibleng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava,katamtamang pagputok at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan
Ang Bulkang Mayon ay patuloy na nasa ilalim ng alert level 3 status na ibig sabihin ay may mataas na aktibidad ang naturang bulkan.
- Latest















