5 aso, pato nilason sa La Union
MANILA, Philippines — Nagulantang ang mga residente sa isang barangay sa baybaying lugar matapos bumulaga sa kanila ang mga patay na aso na nilason sa Bacnotan, La Union, ayon sa ulat kahapon.
Kabilang dito ay ang limang na aso habang nadamay rin ang isang pato na nadiskubreng bumubula ang mga bibig nitong Lunes ng umaga sa Brgy. Baroro ng nasabing bayan.
Tinukoy sa report ng lokal na pamahalaan na kabilang sa mga namatay ay isang kulay itim na asong si Che che at dalawang tuta habang isang pato rin ang patay.
Ang mga aso ay naninigas na umano ang mga katawan at may bulang kulay berde sa bibig na indikasyong nilason noong Linggo ng gabi.
Samantala, maging ang aso ng kanilang kapitbahay ay namatay rin matapos na umano’y lasunin.
Nabatid pa na nitong nakalipas na Linggo lamang ay nilason din ang aso ng kamag-anak ni Jabonilla.
Pinaniniwalaan na isang residente sa lugar ang nasa likod ng paglason sa nasabing mga hayop.
- Latest


















