^

Pang Movies

Claudine, nilinaw ang tungkol kay Boss Toyo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Claudine, nilinaw ang tungkol kay Boss Toyo
Claudine at Boss Toyo
STAR / File

In all fairness kay Claudine Barretto, hot topic din siya sa social media.

Laging nilalagyan ng meaning ang mga post niya.

Kaya nga ramdam na she’s still very much around at relevant pa.

Like ito nga at ikinonek ang isang post niya kay Boss Toyo kung saan nakita silang magkasama sa isang occassion recently.

“Regarding sa Post ko po.Wala po akong pinangalanan. i just want to make it clear na hindi po ang kaibigan kong si Boss Toyo ang tinutukoy ko.

“Naglabas lamg ako ng saloobin ko.Pasensya na Besh Boss Toyo at Loves Jhoy. i hope tigilan nyo po ang pag tag sa kanya coz ayoko maging cause ng gulo ng isang Pamilya.

“kaya nga po ako nag post ng ganun para tumigil yung lalaking nangungulit sakin.

“Besh pasenya na at sorry nadamay ka pa.

“let’s all not be quick to judge.wag po tayo maging cause ng haka haka at pamilya na pwede masira dahil sa nag gu guess lang tayo.

“thank you & Godbless you all,” buong post ni Claudine na magiging busy sa pelikulang gagawin niya sa Viva Films with Bea Binene entitled Morticia!

Si Direk Topel Lee ang director ng Morticia.

Ogie, proud sa anak

Ahh hindi pala magiging part ng Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical ang anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.

Well, ayon ‘yun sa isang source after ng announcement ng nasabing production next year na mapapanood starting May of 2027.

Pero nabanggit kasi ni Ogie Alcasid sa isang previous interview na baka rin magkaroon ito ng participation.

May sariling banda na si Nate, Meet Me At The Elevator, na naging special guests sa Finale concert ng kanyang inang si Regine Velasquez kung saan kinanta nila ang The Easy Kind with the Asia’s Songbird.

Ang nasabing kanta ay kasama sa Golden Hours album ni Regine na inilabas noong Oct. 17, kasabay ng kanyang Finale concert series.

Fifteen years old na si Nate kahapon at binati nga ito ni Ogie sa kanyang social media pages.

Lumaking exposed sa social media si Nate pero nang maging teener na ito ay medyo hindi na siya masyadong pino-post ni Regine. Post ni Ogie: “Happy bday my dear Son. 15 years old today. The cliché “ time flies fast could not have been more true as i look back at the years of you growing up to the remarkable young man that you are right now. I hope that I have been able to impart to you the life lessons that you will need as you go on your walk with God here on earth. I love you anak and I am very proud of you.

“This video was edited by the iPhone on its own. Ang galing!”

OG T.G.I.S., nagbabalik!

Ang T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado) naman ang nagkaroon ng reunion movie na mapapanood sa Netflix.

Kasama ang episode nilang The Last New Year in Boracay.

Kasama ang OG cast nitong sina Polo Ravales, Bobby Andrews, Rica Peralejo, Michael Flores, Ciara Sotto, Bernadette Allyson, among others.

Bubuuin ang pelikula ng four episodes at isa lang ang episode ng TGIS.

Twenty five years na noong 2020 ang TGIS.

“Thank God Its Still Us!” post ni Polo.

Ang daming nabuhay na emosyon sa nasabing post na ‘90s babies.

Naging bahagi ng ‘90s ang nasabing programa. Simple pa noon ang mga pangyayari sa buhay, walang social media, walang bashers.

At kalakasan noon ng TV industry.

Comment ng isang follower ni Polo: “I miss ‘90s, gusto kong bumalik,kpag nakikita ko tgis barkada at naririnig ko mga music nyo nun sa tgis namimis ko yung kilig ko noon sa inyo at yung mga place na tinatambayan nyo.”

CLAUDINE BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with