^

Pang Movies

Beauty, parang mas matanda pa sa asawa!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Beauty, parang mas matanda pa sa asawa!
Beauty Gonzalez
STAR / File

Hindi raw naging issue kay Beauty Gonzalez at sa asawang si Norman Crisologo ang 26-year age gap nila.

Sa guesting niya sa Your Honor, ikinuwento ni Beauty kina Chariz Solomon at Buboy Villar na nakilala niya si Norman sa tulong ng best friend niyang si Ellen Adarna tulad sa mga nauna na niyang kuwento.

Ayon kay Beauty, hindi talaga naging problema ang agwat ng edad.

“Lagi akong na-attract sa mga older men... mas gusto ko kasi na may natutunan ako, may sense kausap.

“Actually, sa aming dalawa ako ‘yung parang matanda. Kasi, ako ‘yung natutulog ng alas-otso, alas nuwebe. Gising ng four, five am, siya puma-party pa!” tawa niya.

Siyam na taon matapos ikasal, may anak sila na si Olivia Ines.

Heart, may balanse pa rin!

Patuloy na booked and blessed si Heart Evangelista sa sunud-sunod na projects at events ngayong papalapit ang holiday season, mula Pilipinas hanggang abroad.

Paalala ni Heart sa kabila ng busy schedule, mahalaga pa rin ang balanse sa buhay at paglalaan ng oras sa pamilya.

Excited din si Heart sa upcoming movie niya kasama ang childhood love team na si John Prats. “Marami kang makikitang transformation sa movie na ‘to. It’s very collaborative and marami akong gagawin dito na never ko pa nagawa sa buong buhay ko. Nakaka-excite, nakakakilig,” ngiti pa niya.

Ibinahagi rin niya na suportado sila ng asawa ni John na si Isabel Oli. “Kasi magkaibigan na kami dati pa lang... I’m just so happy that I get to spend time with them, with their kids, with everybody.”

Ama ni Meghan, arestado na

Inaresto ng FBI si Thomas Markle Sr., ama ni Meghan Markle, sa Florida, ayon sa kumpirmasyon ng People magazine. Ayon sa report, dinakip si Markle Sr. ng mga federal agent sa Maravida Senior Living care home dahil sa kasong may kinalaman sa pag-iingat ng child sexual abuse materials.

Kasalukuyan siyang nakakulong sa Tampa. Nasa criminal complaint na nakuha ng Extra ang kaso niyang “possession of child pornography.”

Unang ibinalita ng DailyMail.com ang balita at nag-post ng mga larawan ni Markle Sr. na nakaposas at naka-wheelchair habang itinutulak ng mga ahente ng FBI.

Noong nakaraang buwan, iniulat ng The Sun na natuklasan ng half-brother ni Meghan na si Thomas Markle Jr. ang daan-daan, kung hindi man libu-libong, larawan ng child pornography sa apat na kahon sa bahay ng kanilang ama sa Cebu, Philippines.

Iginiit din niyang nakakita siya ng hindi bababa sa isang video na tila mga menor de edad na babae. Sinabi ni Thomas Jr. na nagsumbong siya sa mga awtoridad sa Pilipinas at sa U.S.

Ilang araw matapos iyon, iniulat naman ng DailyMail.com na nakakita rin sila ng child pornography sa iniwang storage unit ni Thomas sa Rosarito, Mexico, at isinumbong siya sa FBI.

Ibinunyag ng Duchess of Sussex na nalaman niya ang mga dating alegasyon laban sa kanyang ama noong 2018, ang taon din ng kasal nila ni Prince Harry.

BEAUTY GONZALEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with